Chapter XIII

187 11 7
                                    



"Tulungan mo kami"



"Tulungan mo kami"



Parang nag eecho ang mga boses sa pandinig ni Kim.



"Kailangan namin ng tulong mo"



"Kailangan niyang iligtas ang sarili niya"



"Pero sino ang tutulong sa atin ate?"



"Stephanie, gusto na ding manahimik ni Shine Raine, pati na din kami. Ikaw? Ayaw mo bang makalaya na tayo?"



"P-pero kuya si K-kim..."



Mga boses. "Sinu sino ang mga nag uusap?" Tanong ni Kim sa kaniyang sarili.



"SINO KAYOOOO?"



"ASAN KAYOOO?"



Sigaw niya pero wala na siyang narinig na anumang salita galing sa kung saan.



Madilim. Walang maaninag na liwanang si Kim.



Hanggang sa makakita siya ng liwanang.

Sinundan niya ito at unti unting minulat niya ang kanyang mga mata.



9 am

"Good morning. Gising kana." Masayang bati ni Manang Tes kay Kim. Teka, si Manang Tes? Agad siyang napabangon sa hinihigaan at nilibot niya ang kaniyang paningin. Nasa kwarto niya siya.



"B-bakit ka nandito?!! Umalis ka! Halimaw ka!" Sa binitawan na salita ni Kim ay tila ikinagulat ito ni Manang.



"Ano Iha? H-halimaw ba kamo?" Nagtatakang tanong ni Manang Tess.

Pinag aaralan ni Kim ang bawat kilos ni Manang dahil baka mamaya ay may gawin ito.



"Umalis ka dito! I don't need you here!" Mas lalong ikinagulat ni Manang ang pag sigaw niya. Pero napalingon si Kim sa pinto kung saan may nagsalita.



"Manang Tes, anong problema? Bakit sumisigaw ang a.... Oh my gosh sweety are you alright? Im so glad you're finally awake."

Hindi makapaniwala si Kim sa nakikita niya.

Totoo ba ito? O isa na namang halimaw ang nasa harap niya?



"Mom?"



"Yes anak? What do you want? Tell me?"



Nakatitig lang si Kim sa kanya. Minamasdan niya din kung pano gumalaw ang mommy niya.

Katulad nang kay Manang pinag aaralan niya kung ano ang mga galaw nila.



"Ikaw ba talaga ang mommy ko?" Paniniguro niya.



"Huh? It's me Iha, why?" Sagot nito.



"Are you okay?" Naalala ni Kim yung aksidente.



"Okay lang ako Iha, nagugutom ka ba?"



Umiling lang siya at saka tumingin kay Manang Tes na nakatingin lang sa kanilang dalawa.


Kung totoong si Manang ito, nasan na ang halimaw?


Pinakiramdaman niya din ang balikat niya pero wala na siyang maramdamang pangangalay.

Monster Stalker (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon