Kim: Ethan?
*tooooooot*"Ano ang gustong sabihin ni Ethan na dapat kong malaman?" Tanong ni Kim sa kanyang sarili.
Nangangalay na naman ang balikat ni Kim kaya kumuha siya ng gamot. Bigla naman tumunog ang phone niya kaya agad niya itong tiningnan.
*Sms*
-Ethan send a picture-(Click YES to see)
Pinindot niya naman ang YES at akmang iinumin na ang gamot ngunit nabitawan niya ito maging ang basong may lamang tubig dahil sa nakita dahilan upang maglikha ng ingay ang basong nabasag.
Tatlo ang makikita sa larawan.
Si Kim, Ethan at isang nakakatakot na itsura.Magkatabi si Kim at Ethan pero may isa pa. Isang animo halimaw na nakapulupot sa balikat ni Kim.
Kung tititigan ito ay sobrang nakakapangilabot.
Nakatulala lang si Kim na nakatitig sa larawan. Biglang may kumatok sa pinto at may nagsalita.
"Iha? Anong nangyayare diyan?"
Hindi siya sumagot. Bagkus ay binasa niya pa ang ibang text galing kay Ethan.
Ethan: Kuha iyan ng classmate nating si Ella, sorry Kim pero inutusan ko si Ella na picturan tayo ng stolen, hindi ka naman kasi mahilig sa camera o mag picture.
Hindi makapaniwala si Kim sa nababasa niya ngayon.
Ethan: Kim, tinanong ko din pala yung matandang babae na nagtitinda sa tabi ng kalsada kung bakit ganun na lang ang tingin niya sayo. Ang sabi niya, hindi naman daw ikaw ang tinititigan niya kundi ang nakapulupot sa balikat mo. Isang lalaking halimaw daw na ayaw na kumawala sayo. Kaya siguro hindi nawawala ang pangangalay ng balikat/braso mo Kim dahil diyan.
Parang gustong putulin ni Kim ang kanyang braso/balikat ng malaman niya ang mga sinabi ni Ethan. Natatakot. Kinakabahan. Hindi niya na alam ang gagawin.
*tok tok tok!*
Manang: Iha, hindi ka sumasagot? Gusto mo bang pamasok ako diyan?
Kim: NO! LEAVE ME ALONE!
Walang tiwala si Kim sa nagsasalita sa labas ng kwarto niya dahil alam niyang hindi si Manang Tes iyon.
*sms*
Kim: Ethan please puntahan moko dito sa bahay. I need you here. Right now. Natatakot na talaga ako.
Ethan: Hold on. Im on my way.
BINABASA MO ANG
Monster Stalker (COMPLETED)
Mystery / ThrillerNais lamang ni Kim at ng kaniyang ina na makapag simula ulit matapos silang iwan ng kaniyang ama dahilan upang lumipat sila ng tirahan. Sa pag lipat nila ng bahay ay magugulo ang dating tahimik nilang buhay. Ngunit sino o ano ang milagrong nababalo...