Chapter IV

222 13 6
                                    



Ethan: Eh sino yang katabi mo?


Nagsitayuan ang mga balahibo ni Kim sa tanong ni Ethan.


Kim: Umayos ka Ethan ah. Hindi ako natutuwa sa mga joke mo!


Ethan: Seryoso ako Kim, njauwgqoshjw ahwu nskah dbwwo. Wala siyanxxvxjsja----


Hindi na maintindihan ni Kim ang sinasabi ni Ethan dahil biglang humina ang konekyon nila at bigla nalang namatay sindi ang laptop niya.


Nakatitig lang sa laptop si Kim nang biglang nakarinig siya ng mga yabag na tumakbo papunta sa kanyang cr. Kinakabahan man ay sinundan niya ang tunog na ito.


"SINO YAN?!"

Halos pasigaw na sabi ni Kim
dahil sa matinding takot. Malapit na siya sa pintuan ng cr kaya't lalong lumalakas ang kalabog ng dibdib niya. Natatakot man ay
nilakasan niya pa din na tingnan kung sino o ano ang nasa loob ng kanyang cr.


*Kriiiiiiiiik!* (tunog ng pinto,sorna haha)


Nang tuluyan niya ng mabuksan ang pinto ng cr ay tumambad sa kanya ang duguang mukha ng
babae. May guhit ito sa leeg na animo hiniwa ng paulit ulit.

Natatakpan ng makapal na buhok ang mukha ng babae pero kitang kita pa din ni Kim ang bibig nito na pinagdikit, na mukhang tinahi. Hindi na siya nakagalaw sa kinatatayuan lalo na nang tumitig ito sa kanya, itinuro siya nito at pinilit ibuka ang mga bibig dahilan upang
magsitanggalan ang mga itinahi sa bibig ng babae.


"I-ii-i-iii-k-kka-aa-aw!"



Monster Stalker (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon