Chapter 5: He's Back

3K 64 0
                                    

🎶kimi no kaori ga suru kono michi o tadotte iku iyah---

Nyeta naman oh sino naman itong tumatawag umagang umaga ehh inaantok pa ako.

"Hello." Hinihintay kung may sumagot pero wala..

"Hello sino to.??" Pero wala paring sumasagot..bwisit pinatay kuna lang istorbo ng tulog ehh..

'Direk's fov'

Bago ang lahat magpapakilala muna ako sa inyo..My name is Direk Edmun Burke 20 years old..

May dahilan ako kung bakit ako nakipag break sakanya nung mga oras na yun pupunta sana ako sa bahay nila ng bigla na lang sumakit yung ulo ko sobrang sakit hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay..Nagising na lang ako nasa hospital na ako..

Nalaman kuna lang na may Brain Tomor ako sa mga oras na yun hindi ko alam ang gagawin ko..

Dumaan ang mga araw Palala ng pala yung sakit ko hindi ko rin sinasagot lahat ng tawag at text ni Miezel dahil ayoko siyang magalala sakin hanggang sa napagdisesyonan kung makipagbreak na lang sa kanya dahil gusto kung kalimutan na niya ako at humanap na lang siya ng lalaking walang sakit at kaya siyang alagaan habang buhay pero sa ginawa ko nasaktan ko siya ng sobra..

Haggang sa malaman nila Mommy ang nangyari sakin at bumalik agad silang dito sa Pilipinas at agad nila akung dinala sa U.S para dun mag pagamot..

Pagkatapos ng operasyon 6 months din akung comatose nagkaron din ako ng amnesia pero unti unti ko ring naalala ang lahat pati na rin  ang mga alaala namin Miezel..

One week na rin simula nung dumating ako dito sa Pilipinas..Palagi ko ring sinusundan si Miezel at nalaman ko rin na nag aaral parin siya sa Burke Academy na pag aari namin..

Nagbago na rin ako ng contact number sinubukan kung tawagan yung dating number ni Miezel salamat naman at hindi pa niya pinalitan matagal bago siya sumagot..

"[Hello..]" Damn..I miss her voice..

"[Hello sino to..??]" Pero hindi ko siya sinagot gusto ko lang pakinggan yung boses niya..mag sasalita na sana ako pero binabaan na niya ako..

Napangiti na lang ako hindi pa rin siya nagbabago ang pinakaayaw niya sa lahat yung iniistorbo yung tulog niya napaka antokin talaga ng babaeng yun..

Ngayong araw mag aaral ulit ako 4th year college na ako mass communication yung kinuha parihas kami ng course ni Miezel..

'Miezel's Pov'

Kainis sarap ng tulog ko tapos bigla na lang may tumawag pero unknown number bitin tuloy yung tulog ko..

Kaya maaga pa lang andito na ako sa school isang oras din akung naghihintay kanila Tine at Vine..Nyeta inip na inip na ako dito..

Tatawagan kuna sana si Tine pero nahagip agad ng mata ko sila Tine at Vine na tumatakbo papunta sakin..Problema ng mga to..

My Ex-boyfriend is My Fiancé ( COMPLETE )Where stories live. Discover now