CHAPTER 4: Oh my gosh.

21.6K 278 7
                                    


CHAPTER 4 :

"Araaaaay.." Kakagising ko lang pala. Oh yes! Tamad pa ko bumangon. Sakit kasi ng katawan ko e.

Remember? Tumakbo kami ng aking dakilang bespren dahil nga sa takot dahil baka sugudin kami ng fans.

Yan tuloy we ended up na sobrang pagoooood :((

Thank God it's Sunday!

No Classes. Gala is allowed. Sadly, not for me.

I really dont know why. Ung parents namin sinanay kami ni kuya na hindi palagala at palalabas. Bata pa lang kami ganto na kami e. Di talaga kami pinapalabas.

Pero okay lang. Sanay naman ako.

Hindi ko nga lang alam ano gagawin ko ngayon. Si Heidi kasi tuwing Sunday nasa gimik. Di ko alam kung saan, pero sure yun na nasa gimikan.

*knock knock*

"Belle, Bakit di ka pa nababa? Tulog ka pa ba?" Sigaw ni papa.

Di nga ako sumagot. At Bakit? Kala niyo nakalimutan ko na ang plano nila sa arranged marriage na yun?

"Belle? Bubuksan ko to. Kukunin ko ang duplicate kay manang kung di ka sasagot diyan." Pumilit ni papa.

Hay.

"Oo na po. Pababa na po!" Dabog ko.

Sige na nga. Tutal gutom na rin naman ako.
Bored. Naghilamos, nagtoothbrush, nagpalit ng damit at nagsuklay nalang ako.

Bumaba na ko para kumain. Nakita ko si mama at papa na nasa lamesa at kumakain. Bumaba na ko sa hagdan at todo sila makangiti sakin ah. Ano to? Kala nila madadaan nila ako dito? Nope.

"Oh, anak! Musta ang tulog?" Tanong sakin ni mama at pinagtitimpla ako ng gatas. Mukha ba akong okay ? Pagkatapos ko malaman un tingin niyo kakalma ako. Yung totoo?

Ayy. Kung tinatanong niyo kung nasan si kuya. As you can see, nandito si papa, so it means si kuya ang nandun. Dapat kasi may maiwan at magasikaso sa kumpanya kundi si papa, si kuya.

Minsan naman e, sabay silang napasok.

"What do you think?" Asar kong sabi. Masakit kasi sakin ang nangyari. At lalo na nung nagtago ng lihim sakin si mama tungkol dito. Sabi ko nga sainyo diba na close ko si mama.

Di ko akalain na magtatago siya ng lihim sakin.

"Ah-Eh" Utal na sagot ni mama. Maya maya, kahit na umiinom ako ng gatas e, Halata ko naman na naguusap sila ni papa through eyes! Ano na naman to.

Nagsesenyalesan. Ano bang problema sa earth o baka naman pwede na kong maglayas at pumunta sa Mars? Eh kasi naman parang feeling ko sa Mars talga ako sa sobrang out of place ako sa kanila.

Di ko nga alam kung ano ng plano nila sa buhay nila.

Wait.

I mean buhay ko pala.

I dont know what to do right now.

Nung di pa rin sila matigil kakasenyas sa isat isa, di na ko nakapigil.

"WHAT'S THE MATTER WITH YOU GUYS? CAN'T YOU JUST GO STRAIGHT TO THE POINT?" Di ko na napigilan. Mukha silang tanga kakasenyasan e. Pero mas mukha akong tanga dito na walang alam.

I'm waiting for a response from them but instead, mom handed me a medium-sized box without saying a word.

Anong meron dito? Medium-sized box siya with a cute white ribbon.

So i decided to open the box. Naopen ko na yung box ng..

What? What am I going to do with this?

Crap. It's a pink cute dress. I have a bad feeling on this one.

No. It can't be what I am thinking right now.

Napansin siguro ni mama at papa ang naging reaksyon ko. Kaya naman agad nilang sinabi ang dahilan.

"Belle, I think its the right time for you to meet." What? Meet? No way. Not now. I dont want so see his face yet. I am not ready. I will never be.

"Pa, okay lang na magpakasal ako. Pero 'pa not now? Please? Lets move the date. Not now" I plead. Ayoko talaga. Pwede bang next year? Or better yet, never?

Di ko alam anong magiging reaksyon ko pagnakita ko ang guy na yun. Di ko talaga alam.

May kaba sa puso ko pero parang gusto nitong matuloy. But my mind keeps on telling me that I shouldn't. Ano bang problema ko? Takot ako dito sa marriage na to. Di ko alam kung magiging successful ang relationship namin.

"Okay. We'll reschedule it next week." Sabi ni papa ng may mahinang boses. Good, kahit papaano namove ng next week. Kasi sa ngayon..

I DONT KNOW HOW TO FACE MY FUTURE HUBBY.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

At school.

Grabe. Sakit ng ulo ko kakaisip dun sa itsura ng guy. Baka naman pandak? Masungit? for short, kabado akong hindi ko siya magustuhan kahit ugali niya.

Aaminin ko na, ambisyosa din naman ang lola niyo. Gusto ko din kasi ng mala-fairytale na love story. Sige na mainis na kayo pero kunwari pa kayo gusto niyo din naman ung ganun diba? Sino bang hindi.

BAHALA NA SI BATMAN..

at ROBIN...

"Ay supot si Robin." Crap. Nagulat kasi ako. May nabunggo nung papasok na ko ng classroom. Daydreamer kasi ako e. I told you clumsy ako e.

Pwede naman siguro magsorry.

"Ay, pasensya ka na. Di ko sinasadya." Habang pinupulot ang nahulog niyang libro at libro ko. Papasok din kasi siya ng room e. kasabay ko siya sa corridors kaso ako na si tanga, sa pagiisip ko di ko alam na may tao sa harap na pagong maglakad at naabutan ko at nauntog ako sa likod niya.

"What an attention-seeker." Sambit ng lalaking nakabunggo ko. After kong ibigay sa kanya ang books niya.

"What? Kapal mo naman! Di ako atten---" Shit pagangat ko ng ulo ko. Hulaan nyo kung sino.

a. STEVEN

b. CRUSH KONG SI STEVEN

c. HONSTEVE ko

Ano nahulaan niyo  na ba? Mahirap ba ang choices? Madali lang naman ah.

Jusko. Sa dami ng taong makakakita ng kashungahan ko ay siya pa!

Shit. Ang gwapo niya talaga kahit anong angle ng facelak niya. Kahit galit ang nakikita ko sa mukha niya. He's still handsome. 

Sobrang gwapo, hay. Makalaglag panga as well as your panty, I'm not even joking. Hindi ako OA. Oo, sige OA na ko dun sa panty part. Pero, OA din naman ang kagwapuhan niya. Hustisya!

"Wasting my time." Tapos pumunta na siya sa room. Sa sobrang gulat ko. Naiwan ako dun sa corridors ng nakaluhod. Di ko alam ang itsura ng mukha ko nung tumingala sa kanya. Sana naman maganda ako nun.

Can't take this anymore. I can't breathe.

Nahimasmasan nalang ako ng nagbell na. Patay tayo nito. Katabi ko panaman ang loko.

Bahala na si Batman.

Natawa ako bigla. Nasabi ko palang supot si Robin.

Sorry sa lahat ng Robin.

HE'S MY COLD HUSBAND (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon