CHAPTER 2

756 11 3
                                    

A/N:

KAKATAPOS LANG ITYPE. HEHE :) EWAN KO KUNG BAKIT RATED PG? NO CHOICE EH! HEHE

ang bilis ng update? wahaha XD basta read nyo na lang :) solomot :)

***

“Ynah halika nga, tignan mo maganda na ba?” tanong ko sa kapatid. Kahit na alam kong sasabihin nya ng buong giliw na ang panget! Sinuot ko ang bagong biling black and white dress na tinernuhan ng puting doll shoes. Kahit hindi ako komportable sa pagsusuot ng mga ganitong damit, sinuot ko pa din. Sabi kasi ng  prof namin ay maging pormal naman daw kami paminsan-minsan. Puro pantalon at blouse at tshirts lang naman kasi ang nasa closet ko. At isa pa, sayang naman yung perang pinambili ko noh! Tinignan ako ni Ynah simula ulo hanggang paa.

“Isiping mong mabuti kong anong isasagot mo ha? Baka tamaan ka sa akin,” sabi ko sa kanya. Syempre sayang naman yung perang pinangbili ko dito. Pang bayad na din yun ng kuryente tsaka tubig.

“Hmm, ok na kaso parang may kulang? Accessories?” WOW. Anong nakain nya at hindi nya ako nilait? Oo nga pala, pinagbantaan ko sya. I smell something fishy. Sigurado akong may kailangan ‘to sa akin.

“Maglalagay naman ako nun eh, yung tinatanong ko, kung bagay yung damit?”

“Lahat naman ng damit bagay sayo eh,” sagot ni Ynah. Nakangiti lamang ito sa akin.

“Alam ko yang ngiting yan, ano naman kelangan mo?” sagot ko habang sinusuot ang bracelet na bigay ng Bestfriend kong si Annie. Humarap ako sa salamin at sinuklay ang lagpas balikat kong buhok.

“Siguro naman, madami kayong makikitang artista dun hindi ba? Magpa-autograph at magpapicture ka ha, para ipakita ko sa mga classmates ko,” sagot ni Ynah.

“Di ko sure, basta pag natapos agad yung interview namin sa mga reporters ng networks, malay mo, magawa ko yun.” masayang ko sa kanya. Pasalamat sya at nasa good mood ako ngayon. Haha.

“Yes! salamat ate! The best ka talaga!” sabay yakap sa akin. Umalis si Ynah at iniwan akong mag-isa sa kwarto. “Tignan mo yun, pagkatapos akong utuin, iiwan ako dito.” Tiningnan kong mabuti ang sariling repleksyon sa salamin. “Parang maputla yung lips ko,” agad naman kong pinahiran ng pulang lipstick ang sariling labi. “Ayan, sana talaga makita ko ni papa Kean. Haha!”

Nagmamadaling bumaba ako ng hagdan upang hindi mahuli sa pinag-usapang oras ng hintayan naming magkakaklase. Napansin naman ako ni Papa. “Oh anak, parang date ang pupuntahan mo ah,” nakangiting sabi ng niya. Nagtaka naman ako ng makita ko sya.

“Kelan ka pa po dumating pa? syempre dapat laging maganda ang anak nyo, malay mo, madiskubre ako at maging artista! At biglang yumaman!” nakangiting sagot ko habang sinusuot ang ID at backpack. “May problema po ba?” tanong ko.

“Ah kasi, baka puntahan ka dito ni Mr. Edison, alam mo na,” tapos yumuko sya dahil nahihiya sya.

Bumuntong hininga naman ako. “Ano pa nga bang nagagawa ko? Mamaya na lang tayo mag-usap Pa, kailanga ko na umalis eh.”

“Pasensya ka na talaga―”

Niyakap ko si Papa. “Basta wag na po kasi kayong pumusta sa karera, eh lagi naman kayong talo,” natatawang sabi ko. “Ako na pong bahala dun, tayo na lang naman magtutulungan dito eh,” ngumiti ako sa kanya.

kissMARK <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon