CHAPTER 1 ♥

1.1K 17 1
                                    

A/N:

hello! first chapter eto na!! wahaha :) enjoy :)

***

"SA wakas, dumating na ang sikat na international singer na si Mark Lee kaninang alas otso ng gabi sa Ninoy Aquino International Airport. Sinalubong sya ng kanyang mga fans dito sa labas ng airport. Madaming kababaihan ang pumunta para lamang makita ang nasabing singer. Rinig na rinig ang tilian ng bawat isa ng makitang sumakay sa kanyang sundong van. Nasabi ng binata kanina sa isang presscon na ang dahilan kaya sya umuwi dito sa Pilipinas ay para bigyang saya ang kanyang mga pinoy fans sa gaganaping concert―”

“WHAAAAAAAAAAAAA!”

Natigil ang pagbabasa ko ng biglang tumili ang nakababatang kong kapatid. “Ynah!  Ano na naman ba yan? Pakihinaan nga yang t.v. , sinabing nagrereview ako dito eh!” sigaw ko sa kanya. Kahit kailan talaga walang pakisama.  Palagi na lang syang ganyan, bigla biglang titili basta makakita ng gwapo sa telebisyon. Nasapian na naman. Ang sarap saksakan ng tela yung bibig nya. (>.<)

“Grabe ate, ang gwapo talaga ni Mark! Tignan mo oh! Buti naman at bumalik na sya,” sabay turo sa lalaking kinakawayan ang nagtitiling mga babae sa telebisyon. Pinakita ang pagngiti ng lalaki sa screen, at akma naman syang hinimatay dahil dito. Yakap yakap pa nya ang unan. “He’s the one,” pabulong na sabi nya. Inirapan ko lang sya. “Ate ang alam ko magpinsan sila ni Kean.”

Saglit na lumingon ako sa tinuro nya. Well, kamukha nya nga yung mga leading man sa mga koreanovelas na kinaadikan nya. “Sus, pwede na rin, mas gwapo pa din si Kean,” sagot ko habang muling binuklat yung librong binabasa ko. Naghahanda ako sa examination namin para bukas, one third ng grade ko ang nakasalalay dito. Sana makapasa ako. J

“Hindi naman gwapo yung Kean mo noh, hindi katulad ni Mark, pogi na magaling pa kumanta,” tila kinikilig na sabi ng nya. Aba, hindi talaga papatalo.

Inirapan ko na lang sya. “Magtigil ka nga dyan, first year high school ka pa lang, puro ka pogi, kaya yang algebra mo, bagsak, isusumbong kita dyan kay papa eh,” pang-aasar ko. Nawala ang ngiti sa labi nya. Tagumpay ang pang-iinis ko! Yahoo!

“Pasang awa ka naman dun!” bulong ni Ynah. Tinuon nya ng muli ang atensyon sa tv.

“Hoy, pabulong bulong ka pa, rinig naman! At least ako, pasado pa din ako noh!” pagmamayabang ko sa kanya. Sa math lang naman ako waley eh, pero sa lahat ng subjects ko ok naman ako. Sadyang ayaw nya lang sa akin, ayaw ko rin naman sa kanya eh. Wahaha! Evil laugh.

“Pasang-awa pa rin yun! Bleeh!” sagot nya.

“At least pasa pa din! Tsaka hindi lang ako hanggang pangarap lang na katulad mo, kasi sa Friday, magkikita na kami ni papa Kean! Hahaha!” malakas na sagot ko.

“Weh??” nagtatakang tanong nya. Lumapit sya sa akin.

“Syempre, may tour kami sa mga t.v. networks, kaya nga communication arts ang kinuha kong course! Hintayin mo na lang ang picture namin ni Kean.”

“Hindi ka naman mapapansin nun, may girlfriend na yun eh!”

“Sino yung kaloveteam nyang si Cindy? Hindi kaya,” sagot ni ko. Alam ko namang wala talaga silang relasyon kasi ako ang girlfriend ni Kean. Pero, hindi pa nya alam yun. Oh well, wag nang kumontra.

“Hmp! Bahala ka na nga dyan! Sana bumagsak ka! Bleeh!” sabay takbo si Ynah papuntang kwarto. Inihagis ko ang isang lukot na papel sa kanya. Grabe sya, pati ba naman yung grades ko idamay? Wag ganun! Wala na anga akong matandaan sa lahat binasa ko tapos, Argh!  Napakasamang kapatid! Sayang hindi sya natamaan. Naririnig ko pa din ang ingay na mula sa telebisyon.

kissMARK &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon