CHAPTER 13 ♥

613 12 4
                                    

A/N: sorry sa matumal na update :)) kinakarir ko pagiging estudyante eh :) haha

ok eto na po :) read and enjoy! (^_____^)

***

“Miss, holdap ‘to.”

Napatindig ako ng upo sa narinig ko. Tapos hindi na ako nagsubok pang kumilos baka may masamang mangyari pa sa akin. Automatic na pumikit ang mata ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Katapusan ko na. Lord, patawarin mo ako sa lahat ng kasalanan ko. Okay lang po kahit hindi ko naka-date yung mga crushes ko. HUHU basta makaligtas lang ako ngayon.  (ᵡ__ᵡ) “Ah..wala po akong pera eh..”

Naramdaman kong inagaw nya sa kamay ko ang bag ko na puro damit lang naman ang nakalagay. Narinig kong binuksan nya ang zipper. Saglit na katahimikan. Narinig ko ang pagpipigil ng tawa nya. Sira ulong holdaper ‘to ah! Iminulat ko ang kanang mata ko para silipin kung anong ginagawa nya. Nag-init ang dugo ko pati na rin ang mukha ko ng makita ko ang hawak-hawak nya. Magkahalong inis, hiya at galit ang naramdaman ko. (>_<)

“OOOPS! Sumabit sa kamay ko!” nakangising sabi nya. “Wow, not bad,” komento nya habang hawak hawak sa kanang kamay ang.. ang.. bra ko! Winawagayway pa nya ito sa harap ko na parang bandila. Agad na inagaw ko yun sa kanya at nilagay sa loob ng bag. Tumingin ako sa paligid kung meron may nakakita sa ginawa nya.

“Manyak na pugita!” sigaw ko sa kanya.

“Gentleman kaya ako!” sagot nya. Hindi ko alam kung magpapasalamat ako o ano. Sobrang natakot ako dun sa ginawa nya. “Nakakatawa yung itsura mo,” dagdag pa nya. Nakahawak pa sa tyan sa sobrang kagalakan!

Tumingin ako sa kanya ng masama. Hindi tama yung ginawa nya. Hindi ba? Hindi dahil sa nag-iinarte lang ako.  Lahat ng nangyayari sa aking ngayon nagflashback. Nagsimula lang naman itong kamalasan ko noong nakilala ko sya. Nakakainis talaga. Bakit ako pa?

***MARK’S POV

“Manyak na pugita!” sigaw nya sa akin pagkatapos nyang hablutin yung alam nyo na at nilagay sa bag nya.

“Gentleman kaya ako!” sagot ko sa kanya. “Nakakatawa yung itsura mo,” sabi ko habang naalala ko yung reaksyon nya. Tumitig sya sa akin ng masama. Sanay na naman ako maging ganyan sya eh. Pero bigla na lang nagbago yung reaksyon ng mukha nya. She bit her lower lip as drops of tears roll down on her cheek. Natigilan ako bigla.

“W..wait, are you crying?” stupid question Mark, I said to myself. “Look, I’m sorry, I didn’t mean to scared y―”

“Ka..kasa..la..nan mo ‘to,” she mumbles in a stammering voice. She’s still looking at me.

“Don’t cry, please. Baka kung isipin nila na pinaiyak kita.” Pssh. I really don’t know what to do.

“Talaga naman eh! Sa tingin mo matutuwa ako sa ginawa mo?” she yelled. People near us glaced at us. I raised my hands to tell them we’re ok. “Simula ng pumasok ka sa buhay ko, puro kamalasan na nararanasan ko.”

It’s not right to blame others what’s happening in your life besides you’re the one who’s making and choosing choices. That’s exactly what I wanted to tell her. “Fine. Do whatever you want to me. Kung ayan ang ikakagaan ng loob mo.”

She still doesn’t wipe her tears. “Talikod,” she demanded.

Kumunot ang noo ko. “Bakit?” tanong ko.

kissMARK &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon