CHAPTER 10 ♥

714 13 12
                                    

Nagsimula ng mangulit yung alarm ko. Kaya ayun, napabangon na ako ng wala sa oras. Since 9am pa naman ako aalis at 7am pa lang, mas mabagal pa sa pagong ang kilos ko. Nagbabad pa nga ako sa shower eh. Haha. Tapos kinuha ko yung bagong plantsang tshirt at jeans ko. Tapos nagsuot na ako ng rubber shoes. Pagkababa ko ng hagdan, narinig ko si Papa na tumatawa. Sino naman kayang kausap nun? Nakapasok na si Ynah at si papa. Hala, sinimulan na akong kabahan. Hinsi kaya may nakikita syang hind ko nakikita? Dali-dali akong pumunta ng kusina.

“Pa ok ka lang ba―”

“Good morning!” maligayang bati nya sa akin.

“TEKA ANONG GINAGAWA MO DITO?” sigaw ko sa kanya.

“Teka nga Janna, umagang-umaga high blood ka na naman!” saway sa akin ni Papa. Umupo ako sa katabing upuan ni Mark.

“Bakit ang aga mo?” nagtatakang tanong ko sa kanya habang nilalagyan ng kainin yung plato ko. Sya naman kumuha ng pandesal at pinalamanan ng cheese.

“May pupuntahan din kasi ako eh,” sagot nya tapos kumagat sa tinapay. Saglit na katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Syempre gutom ako kaya ayokong makipagtalo ngayon. Mamaya na lang, pagkaalis namin sa bahay.

“Tara na?” pagyaya nya sa kin pagkatapos naming kumain. Nagpaalam na ako kay papa pati na rin si Mark. Tapos lumabas na kami ng gate.

“Motor ulit?” Tanong ko sa kanya.

“Bakit? Namimili ka pa ikaw na nga ‘tong sinusundo ng isang sikat at tinitilian ng mga babae.” Sabi nya tapos hinagis na nya ulit sa kin yung helmet. “Ano pang ginagawa mo dyan? Angkas na!” nagulat naman ako kaya dali-dali akong umangkas. Humawak ako sa balikat nya tapos, bigla na lang humarurot yung motor.

Malakas pa din ang kabog ng dibdib ko ng bumaba ako sa motor. Tinanggal ko yung helmet tapos hinagis ko sa kanya.

“Anong problema?” tanong nya sa akin. Habang tinanggal nya din yung helmet nya. Pinigilan ko naman sya.

“Baka may makakita sa iyo. Tsaka pwede ba bagalan mo naman pagpatakbo? Pakiramdam ko last ride ko na yun eh!”

“Saan ka naman nakakita ng nakanmotor na mabagal ang andar? Sige nga? Baka lalo pa tayong madisgrasya nyan.”

Oo nga naman. May point. Pero hindi ko naman sinabing kasing bagal ng karo ng patay! Naglakad na ako palayo. “Teka sandal!” tawag nya sa akin. Inis na lumingon naman ako sa kanya. “Anong oras ako babalik?”

“Mga 1pm, isang subject lang kasi ako eh,” tapos nagsimula na ulit akong maglakad. Narinig ko na yung tunog ng pagstart ng engine. Humarang sya sa dinadaan ko. “Ano na namang problema?”

“May nakalimutan ka atang sabihin sa akin.”

Napatingin ako sa kanya. Ano namang sasabihin ko? Ilang minute din kaming mukhang tanga dun. Tapos nagsalita na ulit sya. “Pssh, wag na nga,” tapos umalis na ulit sya. Pagkaalis nya, narinig kong mat tumawag sa akin. Sino pa nga ba? Edi si Froilan kasama si Annie.

“JAAANNNNAAA!” nagtikip ako ng tenga nung palapit na sila.

“Oh bakit?” natatawang sabi ko. Nagsimula na ulit akong maglakad. Sumabay naman sila sa akin. Sa kaliwa ko si Froilan tapos si Annie sa kanan.

“Sino yung kasama mo? Taray ah, may tagahatid ka na!” kantyaw ni Annie.

“Totoo ba?” hay nako nagsisimula na naman sya. “Janna, kayo ba talaga nung Mark Lee?” napakamot naman ako ng ulo. Tapos huminga ako ng malalim. Gusto kong sabihin at isigaw na HINDI BAKIT NAMAN AKO MAGKAKAGUSTO SA MAYABANG AT NAKAKAINIS NA YUN! Pero dahil nga sa usapan namin.

kissMARK <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon