CHAPTER 9 ♥

745 12 14
                                    

***MARK’S POV

Akala ko pa naman  mahihirapan ako na paniwalain ang magulang ni Lampa. Alam kong naiinis sya sa mga nangyari, pero dapat pa ngang magpasalamat sya sa akin di ba? Muntik pa kaming sumablay sa kung saan kami unang nagkita. Pasabat-sabat pa kasi sya, hindi naman sya kausap. Kaso medyo naguguilty din ako, akala kasi talaga ng mga parents nya na girlfriend ko sya. I’m sure her father will curse me kapag nalaman nya ang totoo. Well, hindi ko na lang muna papangunahan ang mangyayari.

Doon na din ako nagdinner sa kanila. Masarap naman yung lutong ulam, hindi ko nga lang alam kung ano yung tawag doon. Pagkatapos naming kumain, nagpaalam na akong aalis.

“Dito ka na lang kaya matulog?” pagsuggest ni Ynah. Tinignan ng masama ni Lampa yung kapatid nya, tapos, sa akin naman.

“Salamat pero may pupuntahan pa kasi ako eh, next time na lang.”

“Ganun? Sayang naman, ah Kuya Mark, pwede mag papicture? Pati na rin autograph, please?”

Hindi ko naman sya matatanggihan. “Sure,” sabay ngiti.

“Ate! Kuhaan mo naman kami ng picture!” tapos inabot nya kay Lampa yung cellphone nya. Ilang picture din yun, akala ko nga hindi na matatapos eh. Tapos hinila ko paupo si Janna sa tabi ko. Alam kong kinabigla nya ang ginawa ko.

“Ynah, pwede kuhaan mo din kami ng picture?” sabay abot ko kay Ynah nung cellphone ko. Pumayag naman sya. Kaso itong si Janna, ayaw pa.

“Bakit ba ayaw mo La―” alam nyang aasarin ko sya. “Labs?” napangiti ako. Inirapan nya lang ako. Lagi na lang ‘tong nairap. Hobby na nya ata yan.

“Sige na ate! Nangangalay na ako dito eh,” reklamo ni Ynah sa kapatid nya.

“Oo na, pero isa lang ha!” sabay lingon sa akin. Inakbayan ko sya tapos nagpeace sign sa camera. (ᵔ_ᵔ)V Tapos sya, nakatingin lang sya sa akin tapos nakasimangot. (¬͠_¬)

“Teka isa pa, hindi ka naman nakatingin ate!”

“Oo na! titingin na ako,”

“One, two, three!” ayun, natapos din. Binalik na sa akin ni Ynah yung cellphone ko, tapos tinignan ko yung picture namin.   ̜_(>ₓ<) (^˽^)V

She pouted her lips again. Tapos, pinakita ko sa kanya. “Tignan mo oh,” tumingin lang sya sa akin. “Ang panget mo dito, buti na lang gwapo ako.” Tinitigan nya lang ako ng masama. Pagkatapos nun, nagpaalam na ako sa mga magulag nya. Hinatid naman ako ni Janna sa labas ng bahay nila.

“Hoy, palabs labs ka pa! Nakakainis ‘to, hindi naman natin pinag-usapan ‘to ha?” inis na sabi ni Janna.

“Anong gusto mo? Tawagin kitang Lampa sa harap nila? E di nabuko na tayo.”

“Hindi . .”

“See? Buti nga napagaan ko na yung tatlong mga gagawin mo. Dalawa na lang, siguro naman kaya mo na yun di ba? At least wala na tayong problem kapag umalis na tayo. I mean, vacation,” tumahimik lang sya. “Akin na cellphone mo.”

“Bakit?”

“Basta akin na kasi,” sabay agaw sa kamay nya. “Ano ba naman ‘to? Bakit picture ni Kean yung wallpaper mo? Maging mabuting girlfriend ka naman!” reklamo ko sa kanya. Tapos binura ko lahat ng pictures ni Kean sa cellphone nya. Inaagaw nya sa akin pero tinataas ko ang kamay ko para hindi nya maabot. Pinasa ko na rin yung picture naming dalawa sa phone nya.

kissMARK &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon