CHAPTER 5 ♥

705 11 10
                                    

“Hoy Miss Lampa!” lumingon si ako at nakita si Mark na nakatayo sa likodko. Nakangiti ito sa akin na tila may kalokohang gagawin.

“Ikaw na naman Pugita?” nagtatakang tanong ko.

“May nakalimutan kasi akong  isuli  sayo.” Bigla na lang nya akong hinawakan sa kamay at nilapit ang mukha sa kanya. Ilang saglit lang, nilapit nito ang kanyang labi sa labi ko. Naramdaman ko na lang na hinalikan nya ulit ako.

“Araaay!” Sigaw ko ng bigla akong malaglag sa sofa na hinihigaan. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala sa ako sa sala. Hindi ko na rin nagawang magpalit ng damit pambahay.  Narinig ko na lang ang matinis na tawa ng aking kapatid na nakaharap sa telebisyon.

“Hahaha! Nakakatawa ka ate, ang ganda siguro ng panaginip mo no? nakangiti ka kasi eh!” pang-aasar ni Ynah sa akin.

“Nako, tigil-tigilan mo nga ako, bangungot nga e!” sabi ko habang naglalakad papuntang kusina. “ Sana panaginip lang lahat ng nangyari? kung ano-ano na naman naiisip ko sa sobrang pagod.” nagtatakang tanong ko sa sarili.  Hinanap ko naman si Papa. “Asan si Papa?”

“Kanina pa umalis yun. Tsaka ate, may pumuntang lalaki dito. Hinahanap ka.”

Napakamot ako sa ulo. “Anong sabi?”

“Babalik na lang daw sya bukas, teka sino pa yun?”

“Wag mo nang intindihin yun!” sabi na nga ba eh. Tumakas na naman si Papa. “Ano ba yang pinapanuod mo? Patayin mo na yang t.v. pati wag ka ng gumamit ng computer, kung ayaw mong lumaki ang bill natin at maputulan tayo ng kuryente.”

“HA? Mamaya na, may inaabangan pa akong palabas eh!”

Inagaw ko sa kanya yung remote at akmang papatayin nan g biglang. .

“Kanina ka pa ba Hon?”  Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang pamilyar na eksena. Tila nagbalik sa isip ko ang mga nangyari. Inagaw naman ulit sa akin ni Ynah yung remote.

“OMG! Hinalikan nya yung girl!” malakas na sabi ni Ynah. Bahagyang nilabuan ang mukha ng babae. Aw, that’s me. I kissed Mark. Wait, he kissed me.  “Astig! kaparehas mo ng damit yung babae oh?” tanong ni Ynah sabay tingin sa akin.

Ano ba? Talagang parehas yan ng  suot ko kasi ako yan! Ngayon, alam ko na na totoo lahat ng nangyari kanina. “Ah.. madami naman akong kapareho ng damit noh! Nagkataon lang yan!” palusot ko kay Ynah.

Agad na umupo sa tapat ng computer si Ynah at nagsearch ng mga pictures ng binalita. Napansin nya ang suot na bracelet ng babaeng ‘girlfriend’ ni Mark. Pinindot nya ang zoom button upang makita ito ng malapitan. “Nakakita na ako ng ganitong bracelet eh,” sabay lingon ulit sa akin. Lumapit sya sa akin pagkatapos ay hinawakan nya ang kaliwang braso ko. “OM, ito yung bracelet ah!” sigaw niya.

Itinago ko ang braso ko sa likod ko. Tapos bigla kong hinugot yung plug. “M..madami kayang may ganitong bracelet! Uso kasi ‘to!” pilit na ngumiti ako. I’m not a good actress, pero I hope napaniwala ko sya. “HAY NAKO, matulog ka na nga at anong oras na!” tapos tinulak tulak ko sya papauntang kwarto.

“Ate sandali lang, maaga pa ka―”

“Ano hindi ka pa matutulog? Gusto mo nito?” tapos tinaas ko yung fist ko. Sumimangot sya tapos padabog na pumuntang kwarto.

kissMARK <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon