CHAPTER 6

717 15 6
                                    

Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Pakiramdam ko para akong nakagawa ng napakalaking krimen na pinaghahabol ng pulis. Pagod na ako para tumakbo pa. Nanginginig na ang mga binti ko sa pagod. Hahayaan ko na lang ang mga taong ito kung ano man ang nais nila. Pinagkakaguluhan ko ng mga reporters. Nasisilaw ako sa mga flash na nanggagaling sa camera kaya naman tinakpan ko ang kanyang mukha gamit ang aking kanang kamay. I need someone to protect me. Pero sino? I’m hopeless. Gusto ko ng umiyak. Pumikit ako at nagbilang ng one to ten. Nang biglang may humawak sa kaliwang braso ko at niyakap ako. Tumingala ako para makita kung sino sya. Si Mark.

“Ok ka lang?” nag-aalalang tanong nito sa akin. “Sabi ko naman sayo, wag kang lalabas kasi kanina ka pa nila hinahanap,” sabi nya.

“Hindi mo naman sinabi yan eh!” nanginginig ang boses ko. I’m scared.  Hindi ko alam ang nararamdaman ko, basta ang alamko, I feel safe na kasama ko ngayon si Mark. Weird. Safe? In Mark’s arms? Naaah!

“Umiiyak ka ba?” sabi nya habang hinahaplos ang buhok ko.

“Hindi noh, bakit ako iiyak?” sagot ko sa kanya. Sa totoo lang malapit na, buti na lang at dumating ka.

He smirked. “Kaya mo pa ba?” tanong nya. Nagtaka ako ngunit tumango na lang ako. “Run away with me!” he said, then winks at me.

Run away with him? What does he mean?

“HA?” Nagtatakang tanong ko.

 “Aalis na tayo dito” sigaw nya pagkatapos ay hinila nya ako paalis sa lugar. Nagtungo kami sa parking lot ng campus. Huminto kami sa pagtakbo ng nasa parking lot na kami. Tinukod ko yung kanang kamay ko sa tuhod ko para makapagpahinga.  

“Ngayon na lang ulit ako tumakbo ng ganun,” hingal na sabi nyasa akin. Tumingin ako sa kanya.

“Bakit?” inis na tanong ko sa kanya habang hinahabol pa din ang paghinga.

“Napagod ako dun ha, ang tigas kasi ng ulo mo eh. Hindi ka ba talaga marunong makinig?” Pagsermon nya. Hinampas ko si Mark.

“Subukan mo kayang libutin ang buong campus para lang makatakas sa mga reporters na yon! Mas nakakapagod yun di ba? Ikaw naman may kasalanan kung bakit tayo nagkakaganito eh,” reklamo ko sa kanya.

“Pssh!” nakasimangot lang sya. ARRGH! Sya pa talaga ang may ganang magalit?  Nakakainis ka Mark! Tumingin na lang ako sa kanya. “Wag ka nang magpa-cute! Akala mo ba madadala mo ako nyan?”

Nagpapacute pa daw ako?

“Ang kapal! At bakit naman ako magpapacute sayo” inis na sabi ko. Napansin namin pareho na magkahawak pa din kami ng kamay. Agad naman kaming napabitaw sa isa’t isa.

“Sabi ko na nga ba, may gusto ka sa akin!” sabi nya.

“Ako? Magkakagusto sayo?” inirapan ko sya. Tapos tumawa ng malakas. “Ikaw kayang humawak sa akin at hinila ako papunta dito! Tsaka,” tumingin ako kay Mark simula ulo hanggang paa. “Niyakap mo pa nga ako eh, baka ikaw ang may gusto sa akin!”

Napangiti naman si Mark sa sinabi ko. “Pinagsamantalahan mo naman? Gusto mo namang yakapin kita?”

“Hindi noh! Asa ka naman!” sigaw ko kay Mark. “Teka nga, paano yan? Makakapasok pa kaya ako ng university ng walang makakakilala sa akin?”

kissMARK <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon