CHAPTER 3 ♥

755 11 11
                                    

“Alam mo bang muntik na akong maligaw? Sabi ko naman kasi sayo tanga ko pagdating sa direction eh! Kung naligaw lang ako, ikaw talaga may kasalanan!” inis na sisi ko kay Annie. Nasa tapat na kami ng lobby ng t.v. network at hinihintay na lang ang pagdating ng ibang mga kasama. Kung alam nya lang yung pinagdaan ko, buti na lang at nakita ko din yung cr. Nakakainis talaga, may nakita pa akong pugita eh!

“At least muntik lang, buti nga nakabalik ka,” natatawang sagot ni Annie.

“Oh, kamusta na nga pala yung interview nyo? Success ba?” tanong ko sa kanya. Ayoko na sanang ikuwento pa sa kanya yung nangyari, kaso dahil sa likas akong madaldal, kinuwento ko na. “Alam mo bang may nakasalubong pa akong pugita. Grabe, nakita na mga nya akong nadulas, hindi pa ako tinulungang tumayo!”

“JANNAAA!” napatingin kami ni Annie kung kanino galing ang napakalakas na boses. Nagtakip kami ng tenga.

“Si Froilan,” sabay na sabi namin sa isa’t isa. Sumingit naman sya sa pagitan naming  dalawa. Binatukan ni Annie si Froilan.

“Ang ingay ingay mo, mahiya ka nga!” iritang saway ni Annie. Napahawak pa sya sa kanyang bewang. Ngumisi lang sa kanya ang lalaki kaya inirapan nya ito.

“Kung makasigaw ka parang mamamatay na ako ha! WAGAS!” sermon ko sa kanya. Hindi nya naman kailangang sumigaw di ba? Nasa public  place pa naman kami. “Nakakahiya ka talagang kasama.”

“Eh kasi namiss ko lang yung future girlfriend ko.”

“Asa ka pa, hindi ka naman type ni Janna, di bale sana kung si Kean ka,” sabi ni Annie. Natawa naman ako sa sinabi ni Annie. Binigyan ko sya ng ok sign. Bigla naman nalungkot ang mukha ni Froilan. Binigyan ko si Annie ng Lagot-Ka-Pinaiyak-Mo na tingin.

“Eh kasi naman Froilan, sinabi ko naman sayo na hanggang friends lang tayo. Wala ka namag mapapala sa akin eh. Kung ako sa iyo, maghanap ka na lang ng iba. Napag-usapan na natin ‘to di ba?” mahinahong paliwanag ko.

“Alam ko naman yun eh, kaya lang―”

Hindi na natapos ni Froilan ang sasabihin buti at sumingit si Annie. Sigurado kasing magsisimula na naman si Froilan sa mga monologue nya.

“Tama na ang drama, magpicture-picture na muna tayo,” masayang sabi ni Annie habang kinakaway sa amin ang digicam nya.

***MARK’S POV

Kakatapos lang ng guesting ko sa isang noon time show. Medyo nakakapagod, parang hindi sanay ang katawan ko sa ganito. Buong araw na puno ang sched ko eh. Pabalik na ako ng van ng marinig ko yung cellphone ko. “Hello Danilo?”

“Ano na namang ginawa mo? Nasaan ka? Bakit ba tinakasan mo na naman kami?”

There’s only one reason when he speak to me in Filipino. Siguradong stress ito dahil sa kung anong tungkol sa akin.

“Ako? I didn’t do anything. Paalis na ako dito. why?”

“May nagpost sa internet ng mga pictures nyo ni Cindy na magkasama. Naku Mark, siguradong hinahanap ka na ng mga reporters! Tiyak kayo ang pag-uusapan!”

“Ano?” hindi makapaniwalang tanong ko. Paano naman nagyari yun, eh walang nakakaalam na kami ni Cindy, pati na rin na kami except Kean. Imposibleng si Kean, alam ko.almost one year na ang relationship naming ni Cindy, at natago namin yun. Ngunit huli na ang lahat, I saw the paparazzi running after me. “Bakit ngayon mo lang sinabi? Andito na sila, sige bye.” Patay malisyang binilisan ko ang paglalakad palabas ng building. Pero hindi papatalo ang mga reporters dahil alam nila na malaking pasabog ito. Nahabol  din nila ako. What are you doing Mark! Think!

kissMARK <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon