CHAPTER 12 ♥

664 15 4
                                    

A/N: SORRY FOR THE LATE UPDATE :)) ngayon lang nagka-oras eh! haha :)

so ayun, enjoy! :D

***

Umupo sya sa tabi ko. “Ayos ang get up natin ah, muntik na kitang hindi makilala,” sabi ko sa kanya na hindi man lang tumitingin sa kanya. Paano ba naman, nakabonnet sya at shades, nakajacket na black, jeans tapos sneakers. “Mukha kang may malalang nakakahawang sakit sa suot mo!” pang-aasar ko sa kanya.

“Ok na ‘to kesa naman pagkaguluhan pa ako. Mahirap na.” sagot nya.

“Tss, Yabang. ano ngang ginagawa mo dito?”

“May mall tour ako dyan mamaya,” sagot nya, tapos he grins at me. Inirapan ko naman sya at hindi na ulit nagsalita. “Eh ikaw, you have a work right?”

“Day Off ko ngayon.” maiksing sagot ko. “Bakit, wala ba akong karapatang mag-unwind?”

“Wala.” Tumingin ako ng masama sa kanya. “Why do you need to unwind? Yung mga taong stress lang ang pwede nun,” sagot nya.

Huminga ako ng malalim at tumayo. Wala talagang kwenta kausap ‘to. “Ewan ko sayo. Dyan ka na nga,” tapos nagsimula na akong mgalakad palayo sa kanya. May narinig akong parang crack sound, means tumayo sya sa kinauupuan nya. “BYEEEE!” sabi ko habang kumakaway ng nakatalikod.

“Wait tignan mo oh, may UFO!” sigaw nya.

“Hay tigilan mo nga ako,” walag lingon sigaw ko sa kanya. Papansin talaga ‘to kahit kelan.

“WOW! May nalipad na carrots!” hindi ko pa din sya pinansin. “Diba si Ynah yun?” bigla akong napatingin sa kanya at lumapit.

Nagpantig ang mga tenga ko nun. “Saan?” tanong ko sa kanya habang naghahanap ng anino ng kapatid ko. Tinuro nya naman yung grupo ng mga estudyante na bumibili ng kung ano. Kaparehas nga nya ng uniform. Tinitigan ko ng maigi tapos ayun nga, tama si Mark. “Teka, anong ginagawa nyan dito?” tanong ko sa kanya.

“I don’t know, she’s you’re sister right?” oo nga naman Janna, dapat hindi ka na nagtanong.

“Sabi ko nga eh, baka kasi may idea ka kung bakit sya nandito,” sabi ko habang nakamasid pa din sa kanya.

“I think kasi..” nag-isip naman sya, hinihintay ko yung sagot nya. “Unwind?” sumimangot ako. “Just kidding, baka nagala with friends, friends hang out! O kaya,” tinaas ko yung kilay ko. Warning na wala ako sa mood makipagbiruan. “To see me?”

Napahawak ako sa sintido ko. Mababaliw na ata ako. Kaya para hindi na kami manghula pa. tumakbo ako papalapit kina Ynah.

“Oh sige, libre ko na kayo,” masayang sabi pa nya sa mga kasama nya.

“YEESSS!” sabay-sabay pang sabi nila. Hindi ko na mapigilan yung sarili ko.

“ABA DONYA YNAH, ANG YAMAN NATIN AH, PALIBRE-LIBRE NA LANG?” inis na sabi ko. “TEKA, ITO BA ANG SCIENCE PROJECT NYO?” halata naman na nagulat si Ynah na makita ako. Pakiramdam ko sasabog na ako. “Halika nga dito!” sabay hila ko sa tenga nya. “Oo nga pala, bankrupt si Donya, KKB na kayo dyan ha?” napatango naman yung mga kaibigan nya. Natakot ata sa akin.

kissMARK <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon