CHAPTER 8 ♥

713 15 13
                                    

AN:

so ayun nga, gaya ng sabi ko dun sa unang story, may pupuntahan kasi ako sa thursday and friday at baka hindi ako makapag-upload nun. :)) kaya ngayon na lang :) HIHI <3

Read. Enjoy. Vote. hehe :D back to the story :)))

***

“Bawal mainlove?” gulat na sabi ko sa kanya.

“You heard me right? May angal ka ba?”

“Sa tingin mo maiinlove ako sayo?” sabi ko sa kanya. Tumawa ako ng malakas, yung fake laugh. “A-S-A! Baka ikaw ang mainlove sa akin,” pang-asar na sabi ko.

Lumapit sya sa akin. “Ako? Pssh.” Pailing-iling syang umupo ulit sa sofa. “Ayusin mo na lang lahat ng kailangang ayusin bago tayo umalis. Hindi yung nag-aambisyon kang magustuhan kita. Sabihin mo na din sa magulang mo, para pag sinusundo kita sa inyo, hindi na sila magtanong.”

Napanguso ako sa sinabi nya. Hindi ko naman pinapangarap na magustuhan ko sya. Sinabihan pa akong ambisyosa. Kahit na wala doon yung mismong word nay un, ganun naman yung thought ng sentence nya. “Wag kang mag-alala, ayoko naman din sayo, ayos nga yun eh, ayaw natin sa isa’t isa.” Nagvibrate yung cellphone ko. Nagtext si Ynah.

SENDER: YnahBruha

“Ate, nasaan ka na daw? Textback.”

Sasabihin ko n asana kay Mark na uuwi na ako ng bigla syang nagsalita. “Oh ano tara na?” tapos tumayo sya sa kinauupuan nya. Tumango ako sa kanya. “Saglit lang, hintayin mo ako dito.” Makalipas ang ilang minute, bumalik na sya hawak ang isang jacket.  Ang arte naman nito, magpapalit pa ulit ng jacket.

“Magpapalit ka pa ulit ng jacket?” nagtatakang tanong ko sa kanya. Hinagis nya sa akin ang jacket. Buti magaling akong sumalo.

“Suotin mo yan, malamig kapag bumiyahe na tayo,” tapos pumunta na sya ng pinto. Hindi ko inaasahan yun sa kanya ha, gentleoctopus naman pala sya. Sinuot ko na yung jacket nya. Medyo malaki sa akin pero oks lang naman. Ang haba kasi nung sleeves eh. Cute naman syang tignan sa akin eh. Haha. (^-^) Nung palabas na ako ng pinto, humarang sya sa akin.

“Bakit?” tinuro nya yung helmet na suot ko kanina. Ok, gets ko yung gusto nyang sabihin. Suotin ko ulit yung helmet na yun para walang makakakilala sa akin. Tapos yun, saka nya lang ako pinadaan. Nilock nya yung pinto tapos pumunta na kami sa parking lot. Tapos yun, umangkas na ako sa likod nya.

“Kapit na kasi,” sabi nya sa akin. Pero ayoko pa rin. Never kahit na para kaming kasali sa karera kung magpatakbo ‘tong si Pugita. Tinuro ko naman sa kanya yung daan papunta sa amin. Medyo matagal yung byahe, pero mas ok yun kesa nung nakakotse kami. Mas mabilis. Nangawit na nga yung p*wet ko e. (~.~)

Sa wakas, huminto na kami sa tapat ng bahay namin. Buti walang tambay doon sa may tindahan sa tapat, kung hindi kakantyawan akong hinatid ako ng boyfriend ko. Ay teka, boy friend ko na nga pala sya, kaso fake nga lang. Palabas lang.

“Oh, sige na uwi ka na,” pangtaboy ko sa kanya. Hinubad ko na yung helmet. Ang sarap ng sariwang hangin. Ang init kasi sa ulo nun eh, tsaka hindi pa ako sanay.

“Hindi ka man lang magpapasalamat?” tanong nya. Akmang tatanggalin na rin nya yung helmet ng hinawakan ko yun tapos binalik ko ulit sa ulo nya. “Masakit yun ha! Bakit mo ginawa yun?” galit na tanong nya sa akin.

“Baka kasi may makakilala sayo! SIKAT ka di ba?” pang-aasar na tanong ko. Well, hindi naman talaga pure pang-aasar yun. Eh kasi naman di ba baka may makakilala naman talaga sa kanya.

kissMARK &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon