CHAPTER 14 ♥

549 12 5
                                    

Ilang minute din akong nakatayo sa tapat ng bahay nila Annie. Nakakahiya talaga, kaya lang wala naman ako ibang mapupuntahan eh. Wala pa din naman akong pera para umupa ng apartment. Buti pa sya, ang laki-laki ng bahay nila. Nagbuntong hininga ako bago magdoor bell. Ilang minuto lang eh bumukas na yung malaking gate nila.

“Good evening po,” bati ko dun sa manang nagbukas ng pinto. Nakasuot pa sya ng apron, siguro isa sya sa mga maid nila Annie.

“Kanina ka pa hinihintay ni Annie,” nakangiting sabi nya. “Halika, pasok ka.” Akma nya namang kukuhain yung mga gamit ko.

“Nako, wag na po, kayang-kaya ko na po ‘to.”

Pumasok na kami sa magarag bahay nila Annie. Grabe talaga, lalong gumanda yung bahay nila ah? Sa bagay, ang huling punta ko dito noong nakaraang taon pa. Yun yung gumawa kami ng project. Pinaupo ako ni manang sa malambot na couch. Tatawagin nya lang daw si Annie.

Naiwan naman ako doon mag-isa. Ibinaba ko muna yung mabigat na bag sa balikat ko. Inikot ikot ko pa ang braso ko dahil sobrang sakit na. 

 “JANNNNAAAAA!”

Natingin naman ako sa hagdan kung saan mabilis na bumababa si Annie sa hagdan. Siguro matututlog na sya. Nakapajama na kasi sya. Laking abala ko talaga.

“Oh, bakit ang tagal mo? Kanina pa kaya kita hinihintay!” reklamo nya sa akin nung nakalapit na sya. “Kumain ka na ba?” hindi naman nya hinintay yung sagot ko kasi pinakiusapan nya si Manang na kumuha ng pagkain. “Tsaka, ano ba talagang nangyari?”

Ikunuwento ko naman sa kanya yung lahat-lahat habang nakain kami. Nakikinig naman sya sa mag pinagsasabi ko. Buti na lang talaga nandyan si Annie, kung hindi baka nagmelt down na ako sa kalsada kanina pa. Sinabi ko na din sa kanya na ngayong gabi lang naman ako makikitulog, maghahanap na ako bukas ng apartment, tutal may pera naman akong darating bukas.

“Ano ka ba? Dito ka na lang whenever you want! Wala namang problema kina Mama at Papa eh,” nung magsasalita na ako tinakpa nya yung bibig ko. “At wag ka na magreklamo ok? I insist.”

Tumango na lang ako sa pagsang-ayon tsaka nya lang tinanggal yung kamay nya sa bibig ko. “Nasaan nga pala sina Tita?” tanong ko sa kanya.

“Andun sa kwarto nila tulog na. Change topic, kumusta na kayo ni Mark? Bati na kayo right?”

Naalala ko tuloy yung ginawa na sa akin ng pugitang yun kanina. “Anong bati ka dyan? Kahit kelan hindi naman kami bati noh?”

“SUS! Kunwari ka pa. Inggit talaga ako sayo friend!”

“Ano namang kainggit inggit sa sitwasyon ko? Ako na mismo nagsasabi sayo, hindi mo gugustuhin na mapunta sa posisyon ko,” pagsisisuro ko sa kanya.

Nagdaldalan pa kami ng ilang minuto na naging oras. Hindi namin namalayan na 12am na. Kaya ayun, pagkatapos ng ilang seremonyas, natulog na din kami ni Annie. Nakahiga na kami sa kama nya, malaki naman kasi yun, kaya okay lang kung dalawang tao. Hindi naman ako makatulog, kaya tinignan ko na muna yung cellphone ko.

Naalala ko na maaga ang pasok namin bukas. Kaya tinext ko na si Mark na huwag nya na akong ihatid kasi sasabay na lang ako kay Annie. Ipinikit ko na ang mata ko para matulog.

“Hi, girl you just caught my eyes

Thought I should give it a try

To get your name and your number

kissMARK <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon