Chapter 10

22.9K 447 14
                                    

Elaine's POV

Mahigit isang buwan na din simula nang lumipat kami kay kuya.

Mag isa lang siya sa bahay niya na sakto lang naman ang laki. May maayos na din kasing trabaho si kuya sa isang kumpanya at mag isa lang naman siya. Halos kami nga lang ang nakatira dito dahil bihira umuwi si kuya. Hindi ko alam kung saan siya nagpupunta at madalas ko na din kasi siyang hindi maabutan. Pero sabi naman ng katulong niya ganyan daw talaga si kuya noon pa.

Si Zaine naman minsan nagloloko dahil siguro naninibago. Mabuti nalang at nandito lang din naman ako sa bahay. Gusto ko na nga rin sanang mag trabaho pero sabi ni kuya siya daw ang bahala sa amin at hindi niya kami pababayaan.

Hindi pa kami nag kikita nila ma'am simula ng umalis kami... at parang mas mabuti na na ganon.

Hinalikan ko uli si Zaine sa pisngi at niyakap ang bagong ligo kong baby.

"Ang bango naman ng baby damulag ko." Nakangiti kong sabi sa kanya at binuhat papuntang kwarto para bihisan.

Ang bigat na ni Zaine. Parang hindi na siya magdadalawang taon pa lang dahil sa laki niya. At malamang namana niya 'to sa tatay niya. Wala naman siyang hindi nakuha don.

Ngumiti ako sa kanya nang maibaba ko siya sa kama. Habang lumalaki ka mas nagiging kamukha mo ang ama mo.

"Love mo 'ko anak?" Tanong ko habang pinupunasan siya.

"Hihi. Yes mama." Sagot niya habang tumatawa.

Mas lumawak naman ang ngiti ko habang tinitignan ko siya. Wala talaga akong pagsisisihan noong panahong nakilala ko si ZEM.

Binihisan ko na siya Zaine at ako naman ang naligo saka kami bumaba na. Sunday ngayon at magsisimba muna kami ng anak ko.

Saktong pagbaba namin ng hagdan nang makita namin si ate Lordes, kasambahay ni kuya, na may kausap na isnag lalakeng naka pormal na suot.

"Ate ano daw po 'yon?" Tanong ko kaya naman tumingin silang dalawa sa direksyon namin.

"Eh anak hinahanap si sir Edward." Sagot ni ate.

Lumapit ako doon sa lalake at ngumiti. "Magandang umaga po. Kapatid po niya 'ko. Gusto niyo po bang ako nalang ang mag sabi sa kanya ng pakay niyo?"

Akala ko sa 'kin siya nakatingin pero hindi... kay Zaine. Kanina pa siya titig na titig sa anak ko.

"Sir?" Tawag ko uli sa pansin niya.

Doon na siya tumingin sa 'kin. "I'm sorry. Good morning madame. I'm Dave Marcus from BM Corporation. Please inform your brother that I came up for him." Pormal niyang sabi. "I'm going... the kid is handsome by the way. Good bye." Saka siya umalis.

"Mabuti hija dumating ka. Ingles ng ingles eh. Hindi ko maintindihan." Natatawang sabi ni ate.

Ngumiti ako. "Mauuna na kami ate."

"O sige mag ingat kayo."

Nagpaalam na din sa kanya si baby at umalis na rin kami.

Pero bakit hindi maganda ang pakiramdam ko sa taong yon? Lalo na sa paraan ng pagtitig niya sa anak ko. Parang may hindi tama eh.

- - - - - -

Yu-Rhi's POV

A Modern FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon