Chapter 2

26.1K 576 11
                                    

Elaine's POV

"Nako! Napakagwapong bata Elaine!" Masayang sabi ni ma'am Jane habang hinehele ang anak ko.

Mabilis dumaan ang panahon. Isang linggo na mula ng manganak ako sa tulong nila sir James at kakalabas ko lang ng hospital.

Napangiti ako habang tinitignan si ma'am Jane na aliw na aliw sa bagong silang kong anak. Kung buhay si mommy, siguro ganyan din siya kasaya.

"Mom, 'wag mo masyadong halikan ang bata. He's too young. Nanggigigil ka eh." Sita naman ng anak niya at inilapag sa ang mga gamit namin.

"Manahimik ka James kung ayaw mong ikaw ang panggigilan ko." Sagot naman ni ma'am. "Ngayon ko lang makikita ang batang ito oh. Naku napaka-cute. At matagal na rin akong walang baby. Paano yung kaisa isa kong anak marunong na ring gumawa ng baby."

"Mommy naman."

Mahina akong tumawa dahil sa dalawa. Akala mo hindi sila mag-ina.

"Salamat po talaga sir James." Sabi ko at umupo kaharap siya.

"Wala 'yon Jen. You know you're like a sister to me." Sabi niya at ngumiti.

Ngumiti nalang din ako.

"Ano nga palang pangalan niya hija?" Tanong ni ma'am.

Hinarap ko naman si ma'am at ngumiti. "Zaine Ethan Santiago po."

"Santiago? Hindi mo siya ipapangalan sa ama niya?" Tanong uli nito na nagpayuko sa 'kin.

"Mom."

"Ayos lang sir." Sabat ko. "Wala naman pong pakialam sa amin si ZEM ma'am. Baka nga po ayaw niyang bitbitin ng anak ko ang pangalan niya eh."

Tumabi naman siya sa 'kin at ibinigay sa 'kin si baby. "Pasensya na anak. Hindi ko sinadyang masabi."

"Ayos lang po 'yon. Wala po sa 'kin 'yon."

Pero sa totoo lang ang sakit. Ang sakit tanggapin. At ngayong meron na anak ko, hindi ko maiwasang hindi mag-isip kung paano ko ipapaliwanag ang tungkol sa 'min ng ama niya. Paano nalang kung tanungin niya kung nasaan siya? Ano'ng isasagot ko?

"Jen gusto mo bang kausapin ko siya?" Tanong ni sir.

Umiling ako. "'Wag na po. Magsasayang lang kayo ng oras."

"Kung sa bagay anak... tama si Elaine." Sabi naman ni ma'am. "Katulad noon, pumunta ka pa ng America. Pero wala rin. Oo nga at bumalik siya dito, pero bumalik lang siya para paiyakin si Elaine. Kung narinig mo lang sana ang mga salita niya noon."

Nagsimula nang umiyak si Zaine kaya naman ilalabas ko na sana ang dibdib ko kaso lang pinigilan ako ni ma'am.

"Hoy James 'yang mata mo!" Sigaw niya kay sir na nasa harap namin.

Oo nga pala. Nakalimutan kong may lalake dito.

"Bakit na naman mommy?"

"Anong bakit? Labas!"

"Tsk. Sabi ko nga lalabas ako." Sabi nalang ni sir at lumabas na ng silid.

A Modern FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon