Elaine's POV
"Thank you for choosing me over your brother." Mahinang sabi ni ZEM habang yakap pa rin ako ng mahigpit.
Hindi ko ramdam yung lamig ng air con kahit kumot lang ang nakabalot sa amin. Dahil na din siguro sa init ng katawan ni ZEM.
Tumango nalang ako at tumitig sa bintana.
"Baby, please come home with kuya."
"If you'll go with him Elaine our family will break. The kids will be the ones who'll suffer."
"Baby don't you miss me?"
"Elaine think about your family."
Pumikit ako ng mariin habang iniisip ang nangyari kanina. Nakita ko kung paano tumulo ang mga luha ni kuya nang hindi ako sumagot habang nakatingin ng malungkot sa kanya.
"Naiintindihan ko baby. Matagal na bago kita makita ulit, kayo ng pamangkin ko. Kailangan lumayo ni kuya. Gusto ko sana kayong isama para bumawi pero hindi pwede at naiintindihan ko. Pero kailangan na talaga akong lumayo."
"Pero kuya bakit? Bakit ka aalis? Bakit ka lalayo? 'Wag ka nang lumayo kuya... dadalawin ka namin palagi."
"Hindi ko muna pwedeng sabihin. Pero mahal na mahal ka ni kuya ha? 'Wag kang mag alala malapit nang masagot lahat ng tanong mo tungkol sa 'kin. Paalam mahal ko. Ipaalala mo kay Zaine palagi ang tungkol sa akin ha?"
"Pero kuya-"
"Good bye baby love."
Tumulo ang luha ko habang inaalala kung paano siya tumalikod sa akin palayo. Hindi ko alam kung bakit ganun umasta at mag salita si kuya kanina. Parang may hindi tama. Parang may mangyayaring hindi maganda. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa paalam niya.
"Elaine you are crying."
Tinignan ko si ZEM nang hawakan niya ang pisngi ko.
"Are you regretting that you chose me over him? To remind you our son needs me." Malamig niyang sabi at tinitigan ako.
Umiling ako. "Hindi naman sa ganun ZEM. Pero kasi hindi maganda ang kutob ko. Wala ba siyang sinabi sa'yo kung saan siya pupunta?"
"None. He left me no word. Even just 'thank you' because I let him see you."
Bahagya akong bumangon at tinignan siya. "Bakit mo naman pagbabawalan si kuya na makita ako?"
"I don't need to give you my reasons. I'll do what I want Elaine." Malamig niyang sagot at bumangon para mag suot ng damit.
"Pero ZEM kapatid ko 'yon."
"I don't care who he is."
Hindi ako nakapagsalita sa narinig ko.
Hindi ko maintindihan ang ugali ni ZEM. Hindi ba okay na kami? Pero bakit ganun ang mga sinasabi niya tungkol kay kuya?
"ZEM bakit ganyan ang sinasabi mo?" Mahina kong tanong.
BINABASA MO ANG
A Modern Fairytale
RomansaElaine Jen Santiago is a young woman who works hard in life for her to live. Her mother died because of depression when their father left. Her brother abandoned her. She had to fight and live on her own at age of thirteen. Wala siyang ibang gusto ku...