Elaine's POV
"James! Bakit mo naman papupuntahin dito ang mga Mendoza na 'yon?!" Narinig ko sigaw na naman ni ma'am sa anak niya.
Hindi nalang ako nangialam at tinitigan anak kong dumedede pa.
Sa totoo lang kinakabahan ako dahil narinig kong mag usap kanina sa cellphone sila sir James at ang kakambal ni Ethan. Pero ang sabi lang naman niya siya ang bahala sa akin. Pero kahit na... Kinakabahan ako.
"Mom, I know what I'm doing." Rinig ko namang sagot ni sir.
"My god James! Kamukhang kamukha ni Zaine ang mga Mendoza na 'yon, isa lang ang mapunta dito alam na nilang anak ni ZEM 'yan."
"Mom I just wanna play a game." Matabang na sagot ni sir James.
Tumingin naman sa 'kin si ma'am bago kinausap ulit ang anak. "You're the only one who will enjoy that game James. Hindi mo na naisip na baka masaktan lang si Elaine kapag kaharap ang kumag na ZEM na 'yon o ang kambal niya?"
"Mo-"
"Ahm ma'am..." Sabat ko sa usapan. "Ma'am okay lang naman po. Magpunta man po sila o siya, wala pong magbabago." Saad ko at yumuko.
"You will love the scene mom. Just trust me." Sabi ni sir.
"James wala kang alam sa salitang 'trust' bukod sa brand ng condom."
"Mommy naman! Diyan kana nga." Nasabi nalang ni sir at umakyat na second floor.
Nagmamadali namang lumapit sa akin si ma'am at hinawakan ang kamay ko. "Elaine, ayos lang ba talaga sa'yo o nahiya ka lang sa kulimagmag kong anak?"
"Ayos lang po talaga. Tulad po ng sinabi ko wala naman pong magbabago makita man niya si Zaine. Hindi niya pa rin tatanggapin dahil ako ang ina... hindi si Arkisha." Mahina kong sabi.
Pinisil naman ni ma'am ang kamay ko at ngumiti sa 'kin. "Kung ganon na nga talaga hija, hindi siya ang para sa'yo. Wag na wag ka nang babalik sa kanya. Kaya ka niyang saktan minsan, asahan mong magagawa pa niya ng ilang beses. Madami diyan anak... madami diyan."
- - - - - -
Inalis ko na ang nipple ko sa bibig ni Zaine at dahan dahang umalis mula sa kama.
Kahit naka sarado ang pintuan ay dinig ang mga boses sa labas. Ang lalakas naman... parang hindi mga lalake.
Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas. Alam kong sila 'yon... alam kong nandiyan siya.
7 o'clock na din pala. At malamang kakain na.
Lumabas na ako ng kwarto at natanaw ko sila agad sa dining table. Kitang kita ko siya katabi ng kakambal niya kasama na rin sila ma'am at sir James.
Nakayuko akong lumapit dahil hindi ko alam ang magiging reaksyon ko kapag nag tama ang paningin namin. Kinakabahan pa naman ako ng sobra.
"Elaine, finally you're awake. Umupo kana, kakain tayo." Saad ni ma'am kaya naman napatingin ang tatlong lalake sa gawi ko.
Pinagsisihan ko tuloy ang pagsuot ng black dress dahil alam kong hindi maganda ang titig nila. Binigay kasi ito ni ma'am dahil daw madaling maibaba kapag dedede sa 'kin si baby.

BINABASA MO ANG
A Modern Fairytale
Roman d'amourElaine Jen Santiago is a young woman who works hard in life for her to live. Her mother died because of depression when their father left. Her brother abandoned her. She had to fight and live on her own at age of thirteen. Wala siyang ibang gusto ku...