Elaine's POV
"In the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit..."
"Amen." We responded to the priest.
Nagsimula nang umalis ang ibang tao pero ako... ayoko muna.
Ngayon ang burol ni kuya. At nasa hukay na nga ang katawan niya.
Dalawang araw matapos ang nangyari pinalibing na din namin siya. Doon naman kami sa isang bahay ng mga Mendoza nakatira. Hindi pa kami nagkita uli ni Ethan matapos 'yon. Nasa akin din ang dalawang bata at hindi naman kami pinapabayaan ng mga magulang ni Ethan.
Hanggang ngayon iniimbistigahan pa rin ang tungkol sa kaso ni kuya at Ethan. Hindi ko alam kung maniniwala ba o ano. Basta ang alam ko ayoko na kay Ethan. Ayoko nang bumalik sa kanya.
"Anak?"
Agad akong tumingin sa mommy ni Ethan kasama ang asawa nito.
"Hindi pa ba tayo aalis anak? Baka ma-miss niyo ang flight." Malumanay niyang sabi at hinawakan ako sa braso.
Tumango ako at pinilit ngumiti. "Sige po. Susunod na po ako."
"O sige. Mauuna na kami doon." Sambit niya bago sila naglakad papunta sa sasakyan.
Babalik na kami sa Pilipinas at doon na kami titira ni Zaine. Bagong buhay na rin. Nangako ang magulang ni Ethan nasusuportahan si Zaine at bibigyan din nila kami ng pera para makapagsimula uli. Mas mabuti na 'to para sa lahat. Ipapaintindi ko nalang sa anak ko ang mga bagay sa makakaya ko. Gusto ko sanang sa akin nalang din si Aki pero syempre hindi naman ako ang ina niya at kay Ethan lang siya.
"Paalam kuya ko. Mahal na mahal kita." Naluluha kong sabi at naglakad na palayo sa puntod niya.
- - - - - -
"Bye baby Aki..." umiiyak kong sabi habang niyayakap si Aki sa huling pagkakataon.
Nakatingin lang naman siya sa 'kin ng sandali bago ngumiti at hinalikan ako sa labi.
Ayokong iwan ka anak pero kailangan.
"Wag mo akong kakalimutan anak ko ha? Mahal kita." Malungkot kong sabi at saka siya hinalikan sa pisngi bago ibigay sa katulong.
Nandito na kami sa airport at minuto nalang... aalis na kami. Iiwan na namin ang lugar na 'to kasama ang mga masasakit na alaala.
Binuhat ko na si Zaine at ngumiti kila ma'am Anne.
"Maraming maraming salamat po sa lahat." Buong puso kong sabi.
Ngumiti lang siya habang lumuluha at niyakap kami ni Zaine.
"Anak... sana dito nalang kayo. Malulungkot ako ng sobra pero wala akong magagawa." Hinalikan niya kami ni Zaine sa pisngi at ngumiti. "Bibisita kami ha. Mahal ko kayo."
"Good bye honey... good bye my son." Malungkot ding sabi ni Mr. Mendoza at hinalikan si Zaine.
"Bye bye grama grapa." Mahinang sabi ni Zaine.

BINABASA MO ANG
A Modern Fairytale
RomanceElaine Jen Santiago is a young woman who works hard in life for her to live. Her mother died because of depression when their father left. Her brother abandoned her. She had to fight and live on her own at age of thirteen. Wala siyang ibang gusto ku...