Chapter 4

24.6K 558 33
                                    

Elaine's POV

Mas lumawak pa ang ngiti ko habang tinitignan ang inosenteng mukha ng anak ko.

Sobrang gwapo mo anak.

Kamukhang kamukha ni Ethan. Hindi ipagkakailang anak nga niya.

Pero hindi niya siya tanggap.

Agad napawi ang ngiti ko sa naisip ko. Oo nga naman. Hindi niya tanggap. Ang sakit lang.

"Elaine! Anak pumasok na kayo. Lumalakas na ang sikat ng araw." Sigaw ni ma'am mula sa loob ng bahay.

"Sige po." Sagot ko at nagsimula nang pumasok.

Tatlon linggo palang ang anak ko at mainam para sa kanya ang sikat ng araw sa umaga.

"Naku ang gwapong bata tulog na naman yata." Natutuwang sabi ni ma'am at hinaplos ang pisngi niya.

Ngumiti ako. "Mabuti pa po kayo masayang masaya sa pagdating niya."

"Ayan ka na naman..." Sabi niya at tinignan ako. "Nanay mo na 'ko anak. Ikaw lang ang sanay sa pag tawag sa 'kin ng 'ma'am' eh."

"Eh nakakahiya na po kasi. Masyado na po kayong maraming tulong sa 'ki-"

"Shh. Tama na. Basta't masaya ako na nandito kayong dalawa ni Zaine sa puder ko." Ngumiti siya. "Kumain na tayo."

"Sige po. Ibababa ko po muna sa Zaine sa crib niya."

"O sige. Basta sumunod kana."

Tumango nalang ako at nagpunta sa kwarto. Hinalikan ko muna ng ilang beses si Zaine bago ibaba sa crib. Nakakagigil kasi siya.

"Mamaya na kita papaliguan mahal ko ha? Kakain lang ang mama." Nakangiti kong sabi sa kanya.

Hindi pa siya nagsasalita at hindi pa niya 'ko nakikita pero pinapasaya na niya 'ko ng sobra. Paano pa kaya kapag malaki na siya? Mas nakakatuwa siya non.

Lumabas na rin ako ng kwarto pero hindi ko na inisara ang pinto para marinig ko kung iiyak siya.

"Oh halika na rin James. Kumain na tayo ng sabay sabay." Masayang wika ni ma'am habang nagtitimpla ng gatas. "Halika na Elaine. Inumin mo 'tong gatas para makabawi ka agad."

Nahihiya akong ngumiti sa kanya at tumango. "Naku salamat po."

"Wala 'yon anak." Humarap siya sa pintuan papuntang garahe. "James! Ilang taon pa ba 'kong maghihintay dito anak?! Kumain kana rito ipapatuli na kita."

Gustong gusto kong matawa pero nahihiya ako kaya yumuko nalang ako.

"Mommy naman. Will you stop bullying me? Umagang umaga. At matagal na 'kong tuli." Sabat naman ni sir bago umupo kaharap ko.

"Hay ano ba naman yang pawis mo James?! Mahiya ka naman kay Elaine." Naiinis na sabi ni ma'am at umupo na rin.

"Mom mabango ako. I always am. Okay?"

"Ewan ko sa'yo. Bilisan mong kumain at bibili ka mamaya ng groceries." Sabi ni ma'am at nag sandok.

"Eh bakit ako?" Naiiritang sabi naman ni sir.

A Modern FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon