Chapter 18

19K 388 31
                                    

Elaine's POV

Muli akong humagulgol ng iyak habang niyayakap ang bimpo ni Zaine na huli niyang ginamit kahapon.

Panibagong umaga na naman na wala ang baby ko.

Simula kahapon nang iwan ako ni ZEM dito hindi ako umalis... hindi ako kumain... hindi ako huminto sa pag iyak at pag hihiling na sana bumalik na siya kasama ang baby ko.

Mamamatay na 'ko sa lungkot. Kaya kong mabuhay na wala sa 'kin ang lahat pero hindi kung si Zaine.

"Baby ko kamusta kana? Baby miss mo rin ba si mommy? Ako miss na miss na kita. Gustong gusto kitang mayakap."

Para akong baliw na kausap ang bimpo na yakap yakap ko dito sa kama kung saan ko siya huling nakita.

Ang baby ko... baby ko bumalik kana.

Nawawalan ako ng ganang mabuhay dahil wala na si baby. Iniwan ako ng anak ko.

Pero ayokong umalis dito sa condo ni ZEM. Dahil baka bumalik sila dito... baka sakaling nararamdaman din ni ZEM ang hirap ko na wala ang anak ko sa tabi ko.

- - - - - -

Nagising ako dahil sa sunod sunod na door bell.

Hindi ako nag abala na ayusin ang sarili ko at tumakbo papunta sa pintuan. Umaasa na si ZEM 'yon kasama ang baby ko.

Agad kong binuksan ang pinto at hindi nakapagsalita sa nakita ko.

"Nerd- Elaine?" Gulat na tanong ni Yu-Rhi habang sinusuri ang kabuuan ko.

Agad naman akong umiyak at lumuhod sa harapan niya.

"Yu-Rhi tulungan mo 'ko."

"Fuck! What did he do?"

Naramdaman ko ang pag yakap niya sa 'kin at paghaplos ng buhok ko.

"Boss put this around her." Rinig kong sabi ng isang pamilyar na boses.

"Yu-Rhi iniwan ako ni ZEM... Isinama niya si Zaine. Mababaliw na 'ko Yu-Rhi." Humahagulgol kong sabi.

Naramdaman ko naman ang paglagay niya ng tela sa 'kin dahil ang suot ko lang ay ang damit na sinira ni ZEM noong nakaraang gabi.

"Fuck. Elaine get up. Get up and I'll fix this shit up." Itinayo niya 'ko at hinawakan sa pisngi. "What are these?" Tanong niya habang hinahaplos ang mga parte sa mukha ko na sinampal ni ZEM. "Damn that nerd."

Tinignan niya ang mga braso ko at ang dibdib ko saka niya 'ko niyakap.

"Yu-Rhi ang baby ko. Ibalik niyo siya sa 'kin." Umiiyak ko pa ring sabi.

"Shh. Yes you'll have him back. Hush now."

Marahan niya 'kong hinila papunta sa salas at pinaupo.

Tulala naman akong nakatingin sa bed habang inaalala ko si Zaine.

Hinahanap din kaya niya 'ko?

A Modern FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon