Elaine's POV
Tumigil ako sa paglalakad nang makita ko siyang tumayo.
Hindi siya sa 'kin nakatingin kundi kay Zaine. Hindi ko alam kung natutuwa ba siya o ano. Ganun din pala ang pagkakatitig ni Zaine sa kanya. At hindi ko alam kung masisiyahan ba 'ko.
"Uhm... Zaine, lapit ka kay..." Tumingin ako sa kanya dahil hindi ko alam kung ano ba dapat ang itawag ni Zaine sa kanya.
"Come Zaine... I'm your dad." Mahina niyang sabi kay Zaine habang titig na titig pa rin.
Bitiwan ko ang kamay ni Zaine at marahan siyang tinulak palapit kay ZEM.
Dahan dahan namang humakbang si Zaine pero lumingon uli siya sa 'kin kaya naman ngumiti ako sa kanya at tumango.
Nagsimula na uli siyang humakbang papunta kay ZEM at agad naman siyang lumuhod para makapantay si Zaine.
"Hi son." Mahinang sabi ni ZEM at hinawakan sa balikat si Zaine.
Kitang kita ko ang pag kinang ng mga mata niya. Sa totoo lang gusto kong maluha sa saya. Kahit parang imposible noon na mangyari 'to pinangarap ko pa rin para sa anak ko... at salamat naman nagkatotoo.
Itinaas ni Zaine ang mga kamay niya at agad siyang niyakap ni ZEM patayo at hinagkan sa pisngi.
Nagpunas naman ako ng luha na pumatak na pala. Ang sarap tignan ng mag ama ko.
"Oh boy. I miss my sons." Rinig kong sabi ng kambal ni ZEM.
At sigurado akong si Yu-Rhi 'yon. Dahil kung si TAM lang din... ayoko nang magsalita.
"Papa!" Bigkas ni Zaine.
"No. Call me daddy, anak." Nakangiti namang sabi ni ZEM.
"Dada."
"Ethan, bulol pa talaga 'yan." Sabi naman ni TAM.
"You speak like you have a son. Do you have?" Pambabara naman ni Yu-Rhi.
"Tsk. Wala. But of course I have my nephews who are your sons. So alam ko naman." Masungit na sabi ni TAM at umirap.
"Whatever you say player. Shut the hole."
Naglakad naman ni ZEM buhat buhat si Zaine papunta sa tabi ng mga kapatid niya.
Nakita ko namang dumating si kuya kasunod si ate Lordes dala dala ang isang tray ng meryenda na inilapag niya sa mesa at bumalik na sa kusina.
"Heartbreaking scene." Nakangiting sabi ni kuya bago tumingin sa akin. "Come on Elaine. Marami pang pag-uusapan." Tumango nalang ako at naglakad din doon saka umupo sa tabi ni kuya.
"Can I take him out?" Tanong ni ZEM.
Katulad ng dati ang lamig pa rin niyang makipag usap. Halata sa bawat kilos at salita niya na hindi basta basta ang personalidad niya.
"Yes of course Mr. Mendoza. He's your son. But we have to settle things up first." Sagot naman ni kuya.
"But I thought everything's settled." Sabat naman ni TAM.
"Yeah. What else is not settled?" Sabi din ni Yu-Rhi
Kumunot ang noo ko habang nakikinig sa kanila. Ano ba'ng pinag usapan nila? Ano'ng pinagkasunduan? Bakit hindi ko alam?
BINABASA MO ANG
A Modern Fairytale
RomanceElaine Jen Santiago is a young woman who works hard in life for her to live. Her mother died because of depression when their father left. Her brother abandoned her. She had to fight and live on her own at age of thirteen. Wala siyang ibang gusto ku...