Chapter 7

22.9K 453 2
                                    

Elaine's POV

Muli kong hinalikan ang anak kong mahimbing na natutulog.

Parang kailan lang bagong silang siya... ngayon isang taon at limang buwan na siya. Kailan lang din noong umiiyak ako dahil sa pang iwan niya sa 'kin, ngayon nagpapasalamat nalang ako sa kanya dahil nakilala ko siya at meron si Zaine.

"James! Don't you turn your back on me!"

Kumunot ang noo ko nang marinig ko ang sigaw ni ma'am at parang humihikbi pa ito.

"Mom please! I don't wanna marry her!" Rinig kong sigaw ni sir James.

Dahan dahan akong tumayo mula sa kama at bahagyang binuksan ang pinto.

Agad kong natanaw ang mag-ina na nagsisigawan. Umiiyak na si ma'am at hindi ko maintindihan ang emosyon ni sir James.

"Anak! You have to marry her! She's desperate."

"That's it mom! That's the reason why I don't wanna marry her!" Sigaw pabalik ni sir.

"Son! If you'll not marry her the baby might be affected! Just think about your son! James grow up!"

"I love someone else mom. I don't love her!"

"You made her pregnant!"

"But it didn't mean I love her! I asked if she was taking pills, she lied, we had sex, I made her pregnant. That's all mom."

Napasinghap naman ako nang sampalin ni ma'am ang anak niya.

"Pinalaki kitang may respeto sa babae. I told you to be always nice to women since me, your mother, is a woman! How come you treated her like that?"

"I love someone else mom." Mahinang sabi ni sir.

"But you didn't think of her while you are with Aliyah. Is that a real man's gut?" Matapang na tanong ni ma'am at nagpunas ng luha.

"I told you mom. I love someone else."

"Ano'ng gusto mo James... tatanggapin mo ang mag ina mo o kakalimutan kong may anak ako?"

"Mom don't be like that."

"All or nothing James Cordova."

Bumuntong hininga naman si sir at tumango. "Fine I'll marry her." Saka siya tumalikod paakyat sa hagdan.

Nakita ko kung paano umupo si ma'am na parang hinang hina na.

Ngayon alam ko na kung saan at ano ang mahalagang bagay na inayos nila ng halos buong araw.

Dahan dahan naman akong lumapit kay ma'am at umupo katabi niya.

"Ma'am gusto niyo po ba ng tubig?" Tanong ko.

"Please get me some anak."

Tumango nalang ako at kumuha ng tubig saka iniabot sa kanya.

"Thank you Elaine."

"Ma'am narinig ko po yung usapan niyo kanina."

Umiling naman siya at ngumiti ng bahagya. "Hindi ko alam kung ano'ng nasa isip ni James. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko sa kanya."

A Modern FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon