Elaine's POV
Nangiti ako habang tinitignan isang bouquet ng pinaghalong red and blue roses.
Tatlong taon... tatlong taon simula nang sagutin ko siya at mahigit limang taon na nang makasama namin uli siya sa buhay namin.
Dati... blue ang kulay ng buhay ko dahil sa sobrang lungkot sa piling niya. Ngayong pula na. Mas pula pa sa mga rosas na 'to ang kulay ng buhay ko dahil sa saya na kasama ko siya.
Akala ko noon hindi kami magkakatuluyan. Akala ko hindi na magkakaroon ng buong pamilya si Zaine.
May nagawa siyang kasalanan sa 'kin pero pinatawad ko siya dahil nangibabaw pa rin ang kabutihan niya sa 'kin... sa 'min. Pinaramdam niya ang halaga ko. Pinaramdam niyang reyna niya 'ko.
Masayang masaya ako at mapapangasawa ko na siya ilang oras nalang ang lilipas. Masaya ako... na sa kabila ng lungkot ko noon, mapapalitan na ng kasiyahan.
Ngayon na ang araw na pinakahihintay naming dalawa... ito na ang araw ng kasal namin.
- - - - - -
Nagbukas na ang pintuan ng simbahan kaya naman humawak na 'ko sa mga braso ng dalawa kong anak na lalaki na maghahatid sa 'kin sa altar.
"You're finally marrying him mom after all." Nakangiting sabi ni Aki.
"Yeah. And I'm happy for you." Sabi din ng anak kong si Zaine.
Kapwa malapit na silang mag 8 years old pero malapit na yata nila akong kataas.
"Salamat mga anak ko." Buong puso kong pasasalamat at nagsimula na kaming maglakad papuntang altar.
Hindi gaanong marami ang pumunta. Halos mga kamag anak lang.
Kompleto din ang mga Mendoza. Nandito ang pamilya ni Yu-Rhi at ni TAM.
Tinignan ko si ma'am Anne at nakangiti lang siya sa 'kin na lumuluha. Nakatinginan ko din ang mommy ni James at nakangiti lang siya ng tipid.
Malapit na kami sa altar at kitang kita ko ang kagwapuhan ng lalakeng minahal ko.
Binitawan na ako nila Aki at inabot ang kamay ko kay ZEM.
Tipid lang siyang nakangiti habang nakatitig sa 'kin.
Ngumiti ako ng malawak. "Hello ZEM."
"You are perfect, baby." Hinalikan niya ang kamay ko at sa noo. "I love you."
Ngumiti lang ako.
Naglakad na kami papuntang altar.
"I can't believe I'm walking here with you." Mahina niyang sabi.
"Akala ko din hindi ikaw ang makakasama ko sa paglakad ngayon. Thank you." Puno ng puso kong sabi. "Thank you for everything."
Tumigil kami at tinignan niya 'ko ng matagal bago niyakap. "No baby. Thank you... I'm sorry." Hinalikan niya 'ko sa noo at tinignan. "I love you...
BINABASA MO ANG
A Modern Fairytale
RomanceElaine Jen Santiago is a young woman who works hard in life for her to live. Her mother died because of depression when their father left. Her brother abandoned her. She had to fight and live on her own at age of thirteen. Wala siyang ibang gusto ku...