Chapter 42

21.1K 413 24
                                    

Elaine's POV

"Mom?"

I smiled at my son. "Hello baby? Need anything?"

"Ma'am, heto po ang bag ni sir." Sabi ng yaya ni Zaine na sumilip mula sa pinto.

"Sige Lyn. Salamat ha? Mauna kana sa bahay. Samahan mo si mommy." Nakangiti kong sabi.

Tumango lang naman siya at umalis na.

Tinignan ko uli ang anak kong naka pout na at tumikhim.

He shook his head and went in front of me. "School's boring."

Napangiti naman ako at tumayo mula sa swivel chair ko at hinila siya sa may sofa.

"Baby? We talked about this di ba? You have to go to school." Paglalambing ko at hinalikan siya.

"Yeah. Where's daddy?"

"Hmm, nasa conference room baby. May inaayos lang si daddy but he'll be here later." I hugged him. "We'll eat together later."

Tumango lang naman siya at nagpunta sa couch saka naglaro sa iPad niya.

Umiiling akong bumalik sa desk ko habang nakangiti.

Limang taong gulang na ang anak ko. Actually second week palang ng pagpasok niya sa school.

Sobrang bilis ng panahon. Kailan lang umiiyak pa 'ko dahil sa ama niya... ngayon ngumingiti na 'ko ng buong puso.

Nagtapos na din ako sa pag-aaral sa kursong HRTM. Nagtatrabaho din ako sa kumpanya bilang secretary ni James.

Yes it's James. It was always him. Dahil sa kanya lahat ng 'to. Dahil sa kanya nakapagtapos ako. Dahil sa kanya maayos na ang buhay namin ni Zaine. Sa katunayan sa mansion nila kami tumitira. At dahil din kay James masaya na 'ko. Wala na 'kong nararamdamang sakit.

Si ZEM? Hindi ko alam. Siguro may alam din naman ako dahil naririnig ako din ang mga balita tungkol sa kanya. Pero wala na kasi akong pakialam. Nagbibigay din naman siya ng kung ano man kay Zaine. Pero hindi pa sila uli nagkikita. Pero wala na. Walang wala na. Wala na 'kong pagmamahal sa kanya. Wala na din akong pakialam sa kanya.

Ang mga magulang naman at kamag anak ni ZEM, patuloy ang suporta kay Zaine. Binibisita din nila si Zaine madalas at wala namang kaso sa 'kin 'yon.

Napatingin naman ako sa pinto nang magbukas 'yon at pumasok si James na nakangiti.

Ngumuso naman ako sa direksyon ni Zaine at dahan dahan naman siyang lumapit do'n saka ginulat at hinalik halikan.

Nagtatawanan lang silang dalawa dun at talaga namang tuwa tuwa ang anak ko.

"How are you son?"

"I'm fine dad. But the school was really boring." Sagot ni Zaine at nagpa ikot pa ng mata.

Katulad lang niya si ZEM na mahilig magpa ikot ng mata. Sa totoo lang kamukhang kamukha niya ang ama niya habang lumalaki siya. Pero hindi ang ugali. Malayo siya kay ZEM.

A Modern FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon