Chapter 16

1.5K 25 1
                                    

STILL ARA'S POV

"Bakit hindi mo binigay ng maayos dude!" si Kim. Nakakainis sinundan lang nila ako para pagalitan!

"Naiistress na nga ko sa pagmumukha ni Kimmy araw-araw tapos eto.." di pa natatapos sumabat na agad si Kim.

"Oy Ciennang dinamay mo pa ko!" reklamo ni Kim. "Pero seryoso nga dude.." this time kalmado na sya sa pagkakasabi nun. "Magsorry ka kay Mika." dagdag pa ni Kim pagkatapos tinap pa yung balikat ko.

"This time ayusin mo... Baka imbes na magkaayos kayo eh lalo pa kayong mag-away." payo ni Cienne.

"Teka nga teka nga!!" awat ko sakanila masyado na kasi nila kong kinukuyog. "Bakit ako ang magsosorry? Eh sya nga tong may kasalanan sakin eh." paliwanag ko.

"Mabusog ka sana." pabulong na sabi ni Cienne pero sapat na para marinig ko yun.

"Anong binubulong-bulong mo dyan Cienne." sita ko sakanya baka mamaya kinukulam na ko or what eh.

"Sabi ko sana mabusog ka sa pagkain ng pride mo!" kahit kelan talaga napakaprangka nitong babaeng to.

"Dude tandaan si Mika nakakain yung pride mo hindi." si Kim.

"Gagu ang baboy ng bunganga mo!" minura ko nga puro kababuyan lumalabas sa bunganga eh.

"Eh totoo naman eh! Wala kang mapapala pag pinairal mo yang pride mo." dagdag pa ni Kim.

"Ewan ko sainyo magsama nga kayong dalawa dyan." tsaka ko sila iniwan.

Oo sumama yung loob ko kay Mika kanina kasi binalewala nya lang yung effort ko pero naisip ko din malaki din ang mali ko dahil sa mga nasabi ko sakanya.

"Wala ibibigay ko lang sana tong tubig pakilunod yung sarili mo please. Tapos etong tuwalya magbigti ka na din!"

"Wala ibibigay ko lang sana tong tubig pakilunod yung sarili mo please. Tapos etong tuwalya magbigti ka na din!"

"Wala ibibigay ko lang sana tong tubig pakilunod yung sarili mo please. Tapos etong tuwalya magbigti ka na din!"

Pesteng konsensya kaylangan talagang ipamukha sakin na mali ako? Ewan ko pero dahil sa kakaisip ko about sa nangyari kanina ay di ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng dorm namin.

"Oh Ars kamusta ang pagmumuni-muni?" bungad agad sakin ni Camille pagpasok ko ng dorm.

"Huhulaan ko lang Ara si Mika ba hinahanap mo?" hula ni Carol.

"Bakit ko naman hahanapin yun? At sino naman sya para hanapin ko?" sagot ko. Pero totoo naman talaga si Mika hinahanap ko kaya napunta ako dito sa dorm namin..

"Sus napakadefensive mo naman." asar sakin ni Carol. "Pero kung hinahanap mo talaga sya nasa kwarto nyo lang sya." dagdag nya pa.

Kismet (A Mika Reyes Ara Galang Fanfic)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz