Chapter 10

2.6K 30 6
                                    

---------------------------------------------------

"Kim nasaan si Mika?" tanong ni Ara kay Kim na nanunuod.

"Yung prinsesa mo sumama sa tigre." sagot ni Cienne sa tanong ni Ara.

"SHHHHHHHHHH!!! Cienne wag kang maingay." saway ni Ara.

"Bakit anong masama?" tanong ni Cienne.

"Baka marinig ka nila Ate Aby." sagot ni Ara.

"Ah so tayong tatlo lang talaga makakaalam?" tanong ni Kim. Tumango naman si Ara at umupo sa tabi nito.

"Ehh paano si Mika ayaw mo bang malaman nya?" tanong ni Cienne kay Ara.

"Ano ka ba! Syempre gusto pero di pa ngayon." sagot ni Ara. Tumayo naman ito at kumuha na ng maiinom.

"Nga pala yung prinsesa mo tinirhan ka ng almusal mo." sigaw ni Kim. Pumunta si Ara may nakita syang plato na nakatakip at kape. Kinuha nya ito at pumunta na sa sala para dun kainin ito. Di nya maiwasan mapangiti sa ginawa ni Mika para sakanya.

"Dude ang ngiti abot hanggang tenga." biro ni Kim.

"Masama bang ngumiti pag may naghanda sayo ng breakfast?" depensa ni Ara. Umupo ito sa tabi ni Kim at tinanggal ang nakatakip na plato.

"Akala ko sunny side up yung gagawin ni Mika sa itlog naging scramble hahahaha!" puna ni Cienne.

"FAVORITE KO ITO!!!!!" sigaw ni Ara.

"Yung pancit canton halatang malata sobrang taba ng noodles hahahahaha!" puna ni Kim habang tinuturo yung pancit canton.

"Inggit lang kayo!" sigaw ni Ara. Pinagtatanggol nito si Mika kahit totoo naman ang sinasabi nila Kim at Cienne.

"Tapos yung fried rice na sobrang sunog." sabay na pang-aasar ni Cienne at Kim kay Ara.

"Mga inggit!!!!" sigaw ni Ara. Sinumulan nya itong kainin kahit sobrang alat ng itlog mukhang napadami sa asin, malatang noodles, at ang friend rice na sunog. Kinain nya lahat yun at walang itinira. Manghang-mangha si Kim at Cienne dahil naubos ni Ara ang pagkain..

"Bravo-bravo!!" pumapalakpak si Kim ganun din si Cienne. Iniwan ni Ara yung dalawa at pumunta sa kwarto para itext si Mika.

"Mikie, thanks sa breakfast. Sobrang sarap! Ingat ka dyan. ;)" text ni Ara.

MIKA'S POV:

Kismet (A Mika Reyes Ara Galang Fanfic)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora