"Goodmorning Miks!" bati sakin ni Vic na kakalabas lang ng banyo. "Nagising ba kita?" tanong nya. "Pasensya ka na may morning class kasi ako ngayon eh." patuloy na paliwanag nya habang nagpapatuyo ng buhok sa tapat ng electricfan.
Nakakapanibago si Vic nitong mga nakaraang araw parang laging maaliwalas yung mukha, palangiti na din at higit sa lahat hindi na sya nang-aasar kung mang-aasar man paminsan-minsan na lang tapos pag malapit na ako makipok titigil na sya at magsosorry minsan nga sya pa ang nagtatanggol sakin pag ako na ang hinahotseat ng bullies.
"Miks may problema ba?" tanong nya ulit sakin.
"Wala naman bakit?" tanong ko pabalik sakanya.
"Ah wala kanina ka pa kasi hindi sumasagot tapos daldal ako ng daldal dito.." sagot nya. "Tapos ano pa kanina ka pa kasi nakatingin sakin." Ganun na ba ako katagal na nakatingin sakanya? Ohmy!! Nakakahiya naman. Nagtama bigla yung mga mata namin at bigla syang umiwas. "Naiinitan ka ba? Sorry nakaharang ata ako sa electrifan." tumayo sya at tinutok sakin yung electricfan sabay nag thumbs up na din. "Sige Miks mauna na ko!" paalam nya bago lumabas ng kwarto.
Dapat nakikipagbangayan parin ako hanggang ngayon sakanya nakikipagtalo sa walang kwentang bagay pagtapos magwawalk-out sya at babagsakan ako ng pintuan pero hindi eh! Pagkalabas na pagkalabas nya may nag bukas ulit ng pintuan at iniluwa nun si Vic.
"Oh may nakalimutan ka?" tanong ko sakanya.
"Wala naman gusto ko lang sabihin sayo na breakfast is ready." sabay ngiti sakin. Naramdaman kong biglang nag-init yung dalawa kong pisngi sa sinabi nya tapos biglang ewan!! Baka init lang to magsusummer na kasi diba?
-------------------------
"Goodmorning Miks!" bati sakin ni Kimmy na punong-puno ang bunganga.
"Morning din." bati ko pabalik.
"What time class mo Miks?" tanong naman sakin ni Cienne na nasa tapat ni Ate Kim.
"Hmm.. 9 pa naman." sagot ko. Nakita kong may nakatakip na something dun sa pwesto ko.
"Nakakahalata na kami sayo laging may special treatment pagdating sayo." si Ate Kimmy. Hindi naman ako nagkamali ayun ang breakfast ko.
"Che kayo kasi lagi nyo kong inuubusan ng pagkain." reklamo ko.
"Kaya naman pala pinagtabi ka na." si Cienne.
"Tapos kayo lagi nyo pa kong inaasar." reklamo ko ulit.
"Kaya naman pala pinagtatanggol ka samin." si Kimmy.
"Tapos lagi nyo pa kong pinagkakaisahan tuwing training." reklamo ko ulit.
"Kaya naman pala baby ang turing sayo." si Cienne.

YOU ARE READING
Kismet (A Mika Reyes Ara Galang Fanfic)
FanfictionWhen you encounter something by chance that seems like it was meant to be, then it could be kismet, your destiny.