Chapter 24

873 16 4
                                    

ARA'S POV:

"Kim tignan mo to." pinakita ko naman yung phone ko kay Kim.

"Yabang trending.." asar nya sakin.

"Yun nga pinagtataka ko bakit ako nagtretrend?" nagtatakang tanong ko.

"Syempre dahil sa seksi body mo yan." nang-asar naman ang kumag.

Phone ringing...

"Naks Kimmy iba na yan ah!" asar ko sakanya tumatawag kasi si Cienne sakanya. "Nagseselos ata dahil nandito si Ex." dagdag ko pa.

"Gagu tigilan mo ko Vic." hahaha pikon.

"Hello Ciennang?" pinakikinggan ko lang si Kim habang kausap si Cienne. "Sabi ko naman bantayan mo eh! Haaa?!... Sigesige.. Bye!"

"Oh bakit ganyan mukha mo?" tanong ko sakanya.

"Epal kasi ni Ciennang e! Inaasar nanaman ako." sagot nya.

"Wow himala ikaw ngayon naasar.. Hahaha! Iba na yan." asar ko pa ulit.

"Nga pala anong ginawa mo sa pampangga?" pag-iba nya ng topic.

"Hindi naman talaga ako sa pampangga pumunta." sagot ko.

"Haaa?! Eh saan ka nagpunta?" gulat nyang tanong.

"Kayla Mika." matipid kong sagot.

"Anong ginawa mo dun!!!?" nagtataka nyang tanong ulit.

"Niligawan ko muna kasi parents nya.." haaay di ko mapigilang di mapangiti.

"Talaga? So kelan mo balak sabihin sakanya? So liligawan mo na pala sya?" sunod-sunod na tanong ni Kim sakin.

"Pag-uwi natin liligawan ko na sya." nakangiti kong sagot.

"Sige bro sasabihin ko kay Cienne." mukhang mas excited pa si Kim kaysa sakin haha.

"Wag mo nalang sabihin kay Cienne baka mamaya madulas pa yun kay Mika pumalpak pa tayo." pinigilan ko sya nakita ko kasi tatawagan nya sana si Cienne.

"Mabuti pa nga.. So pano ipanalo natin tong first game natin?" nagsimula na kasing tawagin nung announcer yung maglalaro for second game at kami yun.

"Sus parang may bago naman." Nakangiti kong sagot.

.

.

.

.

.

Maganda naman ang nilaro namin ni Kim kahit 2 weeks practice lang. May mga ibang player din ipinakilala sakin ng personal si Kim na kilala ko naman dahil nakakalaro namin ito sa UAAP. Si Mela hindi na bago sakin dahil kaclose ko na ito madalas kasi akong isama nitong dalawa. Minsan nga nafefeel kong thirdwheel ako.

"Itong chicken nalang sakin." Nandito kami sa isang restaurant malapit lang sa hotel namin para kumain ng dinner.

"Eh anong sayo Dude?" Tanong naman sakin.

"Inihaw na bangus ang sakin." Sagot ko tsaka naman tinawag ni Kim ang waiter.

"Teka diba si Bang yun?" Sabi ni Mela sabay turo kay Bang na parang may hinahanap.

"Tawagin mo nga panget." Utos ni Mela kaya tumayo si Kim at sinenyasan ito.

"Sinong hinahanap mo?" Tanong ni Kim ng bahagyang makalapit ito samin.

"Naghahanap ako ng mauupuan eh." Sagot nito napatigin naman ako kay Mela na halatang may binabalak dahil narin sa ngiti nito.

"Sino bang mga kasama mo?" Tanong ni Mela.

"Actually mag-isa lang ako tinatamad silang kumain sa labas eh." Sagot naman nito.

"Tara sabay ka na samin." Yaya ni Mela.

"Okay lang ba sainyo?" Tanong nito.

"Sabay ka na, nakakalungkot kumain mag-isa. Diba Ara?" Si Mela talaga ako nanaman napagtripan.

"Oo hehehe." Ang awkward umusog ako para makaupo sya.

"Si Ara pala Bang, Bang si Ara." Pakilala samin ni Kim.

"Uhmmm.. Hi?" Bati ko then nagsmile ako para hindi gano awkward.

"Ang awkward naman ng smile mo haha!" Natatawa nyang sabi.

"Ganyan talaga yan.. Mamaya mangbubully na yan!" Loko tong si Kim nilalaglag ako.

Nung una ang awkward talaga ng atmosphere buti nalang tong dalawang kasama namin daldal ng daldal kaya naging komportable kami nung tumagal. Masarap naman palang kasama si Bang, masayahin syang tao, mabilis mo lang mapatawa sa simpleng hirit mo..

.

.

.

"Hi Ara!!" Napalingon ako sa pinang-gagalingang boses si Bang pala ngumiti nalang ako bilang tugon dito. "Goodluck satin!" Sabi nito habang nagreready, mag sstart na kasi yung championship game.

"Goodluck!" Pagkasabi ko nun sakto naman pumito na ang referee na naging hudyat na simula na ang laro.

Naging mahirap ang first set pero nakuha parin namin ito, nung second set mas lalong naging mahirap dahil siguro gustong-gusto nila ito makuha. 3rd set halos lahat kami halos maubusan na ng lakas.. Pero wala e, nagwagi sila Bang.

"Uy Ara!" Napahinto ako sa paglalakad, papunta na sana ako sa hotel kung saan kami nagsstay dahil pagod na pagod na ako at pagkatapos ng laban agad na tumakas si Kim ayun dinumog tuloy ako ng fans.

"Ikaw pala." Bati ko sakanya sabay ngiti.

"Kanina ko pa hinihintay makapagpapicture sayo eh." Sabi nya.

"Sakin? Hahaha.. Baket?" Natatawa ako kasabay dun ang pagtataka ko kung bakit.

"Sige na isang picture lang."

.

.

.

.

Sa isang picture na yun, dun nagsimula ang lahat.

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : Oct 23, 2014 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

Kismet (A Mika Reyes Ara Galang Fanfic)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant