--------------------------------------------------------------------------
Tinawag na ni Coach Ramil ang lahat para maumpisahan na ang training.
"Aby pumili kana kung sino ang gusto mong maging kakampi except kay Michelle." utos ni Coach Ramil.
"I choose Ara,Mika--" "ANOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!" sigaw ni Ara at Mika.
"I agree with you Aby." pagsang-ayon ni Coach Ramil sa desisyon ni Aby.
"I choose Ara, Mika, Kim, Cienne, Camille." saad ni Aby.
"The rest sa team ko kayo." saad ni Mich.
Nagstart ang tune-up game between two teams. PInanuod lang ito ni Coach Ramil.
"Ano ba kasi Mika! Ireceive mo naman ng maayos yung bola para maiset ng maayos ni Kim." sigaw ni Ara kay Mika.
"Pasensya 5'11 ata ako? Eh ikaw ano bang height mo? BANSOT!" sarkastikong saad ni Mika.
"Guys focus tayo." pagpapaalala ni Aby sa dalawa. Ngunit parang walang naririnig ang dalawa tuloy parin ang bangayan nila.
Tumawag ng time-out si Aby para kausapin ang team nya.
"Mika and Ara please wag nyong dalhin ang away nyo sa court." pakiusap ni Aby.
"Ara pag alam mong alanganin si Mika sa pagreceive please help her para di ako mahirapan." utos ni Kim kay Ara.
Kayla Mich naman.
"Ganito ang plano ha? Ipunta nyo lang kayla Ara at Mika ang bola tulungan natin sila magkasundo." utos ni Mich sa kateam nya.
"Yes Ate Mich!" pagsang-ayon ng ibang kateam ni Mich.
Natapos ang time-out niresume na ang tune-up game. Ayon sa plano nila Mich pinapupunta nila ang bola kayla Mika at Ara. Minsan narereceive ng maayos ni Mika ito pero kadalasan HINDI, Si Ara naman laging napapatayan ng bola sa harap nya naiilang kasi sya kay Kim.
"Ara 1st ball ka, 2nd ball si Kim. Di mo ba alam yun?" pang-aasar ni Mika.
"Eh kung nirereceive mo kaya yung bola ng maayos para di mahirapan si Kim sa pagseset satin?" naiinis na saad ni Ara. Nagserve si Wensh nareceive ng maayos ni Mika, naiset kay Ara at pinalo nya ito ng buong lakas.
"Tignan mo muntik pang ma-out side. Tssk!" saad ni Mika.
"Sinadya kong lineball yun." saad ni Ara habang sinisipa ang bola papunta kay Mika.
"Ano ba nananadya ka ba? Roll the ball!" sigaw ni Mika.
"Iserve mo na lang ng maayos yan." saad ni Ara.
"Please tumalikod ka baka sa sobrang inis ko sayo imbes na sa kabilang court ang punta netong bola, mapunta to sa pagmumukha mo." sarkastikong saad ni Mika habang pinapalo ang bola. Sa sobrang inis ni Mika napalakas ang palo nito sa bola kaya naout-side ito.
Natapos ang laro natalo ang team nila Aby dahil sa pag-aaway nila Mika at Ara
"Alam nyo ba ang salitang teamwork?" tanong ni Coach Ramil. Tumango lang ang dalawa. "Simula ngayon Mika at Ara kayo lagi ang magpartner sa lahat ng bagay na gagawin nyo sa loob at labas ng court!" utos ni Coach Ramil kay Ara at Mika. "Gara naman oh, ang dami-dami kong pwedeng ipartner sakin tong Kapre pa na ito! Sobrang malas ko ngayon araw simula ng makita ko tong si Mika. AZZZZZZZZZZZAAAAAAR!" saad ni Ara sa sarili nya. "Tama ba yung pagkakarinig ko? Magiging partner ko sa lahat ng bagay tong si Victonara! Haaay! Kung di ko lang talaga mahal ang volleyball siguro mas pipiliin ko pang magpakamatay kaysa naman makasama to noh? Lord bakit po!? Anong kasalanan ko sayo at pinarurusahan nyo ako ng ganito." saad ni Mika sa sarili nya. Di kasi sila makapagreklamo sa binigay na kundisyon ni Coach Ramil.
"Sige Mika your dismiss, Ara dito ka muna mag-uusap tayo." utos ni Coach Ramil kay Ara.
"HAHA! Maiiwan si Ara at Ako ang aalis." saad ni Mika sa isip nya. "Bye Ara!" pang-aasar ni Mika.
"Grrrr! May araw ka din sakin Mika!" naiinis na saad ni Ara sa sarili nya.
"Ara, kaya kita pinaiwan dito hindi para pagalitan ka kundi para kausapin ka." saad ni Coach Ramil.
"Coach ano po ba yung sasabihin mo?" tanong ni Ara.
"Gusto ko turuan mo si Mika para madevelop pa yung skill nya lalo." saad ni Coach Ramil.
"Pero Coach..." saad ni Ara.
"Wala ng pero-pero alam kong kaya mo yan. Special assignment ko yan sayo." saad ni Coach Ramil habang pinapat ako balikat ni Ara. "Mauuna na ako Ara, sabihin mo kung kaylan mo sisimulan ang pagtratraining kay Mika." saad ni Coach Ramil habang naglalakad palabas ng gym.
"MIKA REYES! Unang araw palang sakit ka na sa ulo ko!" naiinis na saad ni Ara. "MIKA!!! Makakahanap ka din ng katapat mo!" sigaw ni Ara sa gym.
ESTÁS LEYENDO
Kismet (A Mika Reyes Ara Galang Fanfic)
FanficWhen you encounter something by chance that seems like it was meant to be, then it could be kismet, your destiny.