Chapter 13

1.6K 27 8
                                    

ARA POV

Nagising ako ng may narinig akong ingay galing sa ibaba. Sus naman! Alam naman siguro nilang wala kaming training at karamihan sa amin ay bumabawi sa tulog!

"HAHAHA!" Oo Grabe kung makahalakhak yung mahal kong damulag at isang himala na una syang nagising sakin. Kaya dali-dali akong naghilamos, nagmumog at bumaba na.

Pero di ko inaasahan ang makikita ko. Nakakabadtrip lang! Nakakawala ng kagwapuhan sa buong araw. Si Ravena lang naman ang nandito sa living room kasama si Kim at si Mika ayun ang lakas-lakas parin ng tawa. Shit! Akala ko loyal tong wafs ko sakin anong pinakain nila dito?

"Hi Wafs!" Akala ko hindi na nila ako mapapansin sa sobrang saya nila eh. Binigyan ko na lang si Kim ng isang BAKITNANDITOLOOK si Kim.

"Morning Ara." Si Ravena.

"Morning din." Bati ko sakanya ayoko naman maging rude dahil lang sa nararamdaman ko.

"Hi Vicky! Good morning!" Bati sakin ni Mika habang nakangiti. Nakakainis sya halatang masaya kasama si Ravena kitang kita sa gilagid nya.

"Anong maganda sa umaga?" pabulong kong sabe.

"Ano may sinasabi ka?" Tanong ni Mika.

"Wala wala. Vicky mo mukha mo dyan!" Sagot ko kay Mika sabay punta sa kusina bago pa makapagreact ang loko.

"Umagang-umaga nakakabadtrip ano?" Si Carol sabay abot ng pandesal saken.

"Sinong badtrip?" Mangan-maangan kong tanong.

"Deny pa more." Sagot nya. "It's more selos in DLSU Dorm kaya." dagdag nya pa.

"Ano ba kasing ginagawa nyang Ravena na yan dito?" Tanong ko sabay inom ng juice.

"Edi umaakyat ng ligaw ano pa ba?" sagot nya. Halos lumabas na sa ilong lahat ng ininom kong juice. "Kadiri ka naman magpunas ka nga." Puna nya. "Deny-deny ka pa kasi e, tignan mo lumabas sa ilong mo yung ininom mong juice."

"Nagulat lang ako no! Tsaka bakit ko naman magugustuhan si Mika?" Sagot ko.

"Maganda naman si Mika, Mabait tsaka if I know para sayo nasa kanya na ang lahat."

"Ang kapal naman nya! Kahit kelan di ako magkakagusto sakanya... Mamatay man ako itago mo sa bato yan Carol! Eh mas mukha pa ngang..." Naputol lahat ng sasabihin ko ng nakita kong natatawa si Carol. "Anong problema bakit natatawa ka?" Tanong ko.

"Eh kasi ayun oh." Nguso nya.

Tinignan ko kung saan sya nakanguso at nakita ko si Mika nanakataas ang kilay at nakapamewang.

"Sige Ara punta muna ako sa kwarto nandun kasi yung kambal. Punta ka na lang dun if may kaylangan ka." Paalam ni Carol sabay tapik sa balikat ko.

Kismet (A Mika Reyes Ara Galang Fanfic)Where stories live. Discover now