Nagkayayaan sila Kim, Cienne at Ara na magmall na lang dahil may pag-uusapan pa sila at ayaw naman nilang may makarinig.
"Vicky sama mo na kasi ako promise magbebehave lang ako." pagpupumilit ni Mika narinig nya kasi na aalis yung tatlo kaya gusto sumama.
"Hindi nga pwede Mika." sagot ni Ara habang nagpapatuyo ng buhok.
"Hindi na din ako magpapabili ng kung ano-anong bagay basta isama mo lang ako. PLEASE VICKY!" pilit ni Mika kay Ara.
"May gagawin nga kaming mahalaga Mika." wika ni Ara.
"Behave lang talaga ako promise." pilit ni Mika.
"Tsaka baka pumunta dito yung igorot mong mangliligaw." asar ni Ara kay Mika para di na sumama.
"Makapanglait ka wagas atsaka di naman pupunta yun eh." sagot ni Mika.
"Buti naman." bulong ni Ara.
"Bumubulong-bulong ka nanaman dyan eh.." reklamo ni Mika. "Sama mo na kasi ako Vicky.." pilit parin ni Mika.
"Maligo ka na tapos magbihis." sagot ni Ara.
Agad agad naman tumakbo papasok ng banyo si Mika para maligo.. Si Ara naman bumaba at eksaktong nandoon na sila Kim at Cienne hinihintay na lang sya.
FF...
"Ano na bang balita sakanila?" usisa ni CIenne.
"Friend pa naman daw pero sa nakikita ko may balak na yun manligaw kay Mika." sagot ni Kim.
"Alangan naman kay Ate Mika manligaw yun at nagpapalakad lang kay Yeye." iritadong sagot ni Ara.
"Kaya nga Ars bilis-bilisan mo na baka maunahan ka pa." si Cienne na kumakain ng ice cream habang naglilibot silang tatlo.
"Yun nga eh! Pero paano pag ako lang pala yung may gaintong nararamdaman para sakanya?" problemadong tanong ni Ara sa dalawa.
"Dyan tayo sumasablay sa pero." sagot ni Kim. "Kung mahal mo talaga walang pero-pero dapat push lang ng push!" dagdag pa ni Kim.
"Oo nga tsaka kung di mo susubukan hindi mo malalaman." gatong ni Cienne.
"Eh paano ko gagawin yun mukhang naunahan na ko ng Ravena na yun?" problemadong tanong ni Ara.
"Ars naman eh problemadong problemado. Kaya nga nandito kami ni Kim para tulungan ka eh!" pagpapalakas ng loob ni Cienne.
"Eto matutulungan ka neto dude." isinuksok yung yellow paper sa bulsa ni Ara. "Basahin mo yan mamaya pero kaylangan walang makakakita ah?" dagdag nya pa.

VOCÊ ESTÁ LENDO
Kismet (A Mika Reyes Ara Galang Fanfic)
FanficWhen you encounter something by chance that seems like it was meant to be, then it could be kismet, your destiny.