Chapter 21

1K 23 14
                                    

 ARA'S POV:

"Miss nandito na po tayo." hindi ko namalayan nakatulog na pala ako sa kakaisip ko sa mga bagay na pwedeng mangyari.

"Kuya tama ba tong pinuntahan natin?" tanong ko kay Kuya Boy habang nililibot ng dalawang mata ko yung paligid.

"Sinunod ko lang po yung address na binigay nyo sakin." sagot naman nya sakin habang binababa yung gamit ko sa likuran ng kotse.

"Welcome to Pulilan Resort?" binasa ko lang yung sign. Teka resort to eh? Usapan magkikita kami sa bahay ng Lolo at Lola nila Mika eh. Agad kong nilabas yung cellphone ko para tawagan si Tita Baby.

Calling Tita Baby...

"Nandito ka na pala.. Hindi ka man lang nagpasabi." si Tita Baby na pala tong nasa harapan ko di ko napansin.

"Tatawagan ko nga po sana kayo eh." inend ko naman yung call.

"Tara tuloy ka." yaya sakin ni Tita Baby kaya sinimulan ko na kuhanin yung mga gamit ko na nakalapag lang.

Naglakad kami papasok dun sa resort pagpasok namin makikita mo agad yung infinity pool. Magbabakasyon ba ko dito o ano? Biglang may sumalubong samin dalawang bata isang lalaki at isang babae siguro hindi sila nalalayo ng edad. Napangiti na lang ako ng titigan ko mabuti yung mukha nung lalaking bata para kasi syang si Mika na lalaki.

"Diba team mate sya ni Ate?" tanong nung babaeng bata kay Tita Baby.

"Yes.." matipid na sagot ni Tita Baby.

"So ibig sabihin nandito din si Ate Mika!" excited na naghanap yung batang lalaki.

"No hindi nya kasama si Ate Mika.. Magpakilala kayo kay Ate Ara." tumigil naman yung dalawa sa harpaan ko at parang kinikilatis ako.

"Aha! Sabi na sya si Ms.Galang #8!!" turo sakin nung batang babae. "Hi Mikole po." pakilala nya sakin.

"I'm Miko naman po." pakilala sakin nung lalaking bata.

"Let's play muna Ate Ara.." yaya sakin ni Mikole na may hawak-hawak ng bola ng volleyball. Ooops mukhang mapapasabak ako dito ng wala sya oras.

------------------------------------------

MIKA'S POV:

"Ano may nahanap ka na ba na pwedeng lutuin for dinner?" tanong sakin ni Cienne. Nagsesearch kasi kami pareho kung anong madaling lutuin for dinner kaysa magluto nanaman si Kim ng hotdog.

"Eto try natin.." pinakita naman ni Camille yung tab nya sakin. "Ano okay ba yan? Caldereta?" tanong nya samin ni Cienne.

"Hanap pa tayo Kambal.." sagot ni Cienne at nagsimula nanaman kaming maghanap.

Kismet (A Mika Reyes Ara Galang Fanfic)Where stories live. Discover now