"Ang booring!!!!" sigaw ni Cienne."Oo nga ilang araw na din tayong nakatengga dito ughh!" reklamo naman ni Camille.
"Nasira pa kasi yung kotse mo Ars nandito lang tuloy tayo." reklamo naman ni Kim.
"Ewan bat ba kayo reklamo ng reklamo dyan?!" wika ni Mika habang naglalaro sila ni Ara ng NBA2k14. "Peste nakatres nanaman tuloy!" reklamo nya kay Ara.
"Bantayan mo kasi si Kobe." asar ni Ara.
"Nakacheat ba yang Kobe mo lahat ng tira pumapasok e... Oh tignan mo pumasok nanaman! Daya talaga!!" reklamo ni Mika.
"Ano tapos na ba yan?" tanong ni Carol na katatapos lang maligo.
"Yun nga ayaw magpapalit ni Damulag." sagot ni Kim.
"Oy Damulag! Magpalaro ka naman dyan!" reklamo ni Carol.
"Change the loser." sagot ni Mika habang focus na focus sa paglalaro.
"Kanina ka pa ng talo dyan e, ayaw mo lang magpapalit." asar ni Kim.
"Oo nga Mika di mo na mahahabol yan tambak ka na last 2 mins na lang." asar ni Carol.
"Ayan na distract ako. Kaya uulitin namin to!" nirestart ni Mika yung laro habang si Ara tumatawa lang.
"Daya talaga!" reklamo nila Kim at Carol.
"Pag natalo ko si Vic lilibre ko kayo." wika ni Mika sa mga bullies.
"Oh Ara alam na ah!" si Camille.
"Ayan nakanganga ka tuloy Kambal." nagseselfie kasi sila ni Cienne.
"Ipatalo mo para ililibre tayo ni Damulag." sulsol ni Kim kay Ara.
"Oy ang duga!" reklamo ni Mika.
"Eh paano pag ako ang nanalo anong premyo ko?" tanong ni Ara kay Mika.
"Edi ikaw manglilibre." sagot ni Mika.
"Lagi naman akong nanlilibre eh... Yung premyo ko saka ko nalang hihingin syo okay ba yun?" tanong ni Ara.
"Sige deal." pag sang-ayon ni Mika. "Pero ako gagamit sa Lakers ako naman si Kobe." dagdag nya pa.
"Okay.. Chicago nalang ako." cool na cool na sagot ni Ara.
Inumpisahan nila yung laro nung una pinapascore talaga ni Ara si Mika par kahit papano mag enjoy sya pero syempre hindi sya pwedeng magpatalo dahil may kapalit na pabor yun kaya hinabol ny yung kalamangan ni Mika at tinambakan pa.
KAMU SEDANG MEMBACA
Kismet (A Mika Reyes Ara Galang Fanfic)
Fiksi PenggemarWhen you encounter something by chance that seems like it was meant to be, then it could be kismet, your destiny.