Chapter 22

970 17 1
                                    

ARA'S POV:

Pangalawang araw ko na dito sa Pulilan at hanggang ngayon hindi ko parin nagagawa yung unang task na binigay sakin ng Lolo ni Mika. :(

Yung manok kasi na yun parang si Mika nakikita mo nga pero hindi mo naman mahuli parang pagmamahal ko lang sakanya.. Mahal ko sya pero hindi ko masabi. XD

Kung hindi lang talaga malaki ang respeto ko kay Mika malamang nandun na ko sa Manila at sinusuyo na sya sa pangliligaw kaso wala eh! Gusto ko munang magpaalam sa mga magulang nya kahit sa buong staff pa nila sa resort gagawin ko para lang magtiwala sila na mahal ko si Mika at gagawin ko ang lahat wag lang sya masaktan.

"Urghhh! Bwusit kang manok ka!" nasubsob na lahat ako dito para lang hulihin sya pero nakatakas parin. Ayun sa gilid patuka-tuka lang parang walang nangyari patay malisya!

Bigla akong napangiti dahil sa naisip ko.. Bakit hindi ko kaya naisip kahapon na gumawa ng trap para mahuli ko agad yung manok. Hiniram ko yung basket kung saan nilalagay yung mangga tapos humanap ako ng stick  tapos tinalian to ng mahabang tali naglagay na din ng kanin sa ilalim ng basket na tinukuran ko ng stick na may tali.

"Dandandandalandan..." pakanta-kanta na lang ako dito sa may gilid hawak yung tali na nakonekta dun sa stick.

"Bayaw!! Bat nakadapa ka dyan?" agad ko namang hinila si Kuya Perry pababa.

"Mamaya makita ka nung manok.." sagot ko sakanya habang nakatutok parin yung atensyon ko.

"Haha! Ano bang ginagawa mo?" natatawang tanong nya sakin.

"Shhh.. Mamaya marinig ka nung manok." oo mukhang tanga na ko dito pero seryoso talaga ako.

"May sira ka na ata.. Kanina kumakanta ka pa dyan ng kung ano-ano."

"Hindi ako nasisiraan... At yung kinakanta ko yung kanta ni Kendra yun.." paliwanag ko sakanya.

"Who's Kendra?"

"Seriously hindi mo kilala si Kendra?" wala ba silang tv dito??

"That's why I'm asking you." okay natatawa na talaga ako sa reaksyon nya curious na curious sya.

"Mamaya ko na sasabihin sayo kung sino si Kendra.." natatawa kong sagot sakanya. Itinutok ko na ulit ang atensyon ko sa paghuli ng manok, si Kuya Perry naman nasa tabi ko nakisali na din sa pagdapa sa damuhan.

"Anong nilagay mo dun sa ilalim ng basket?" tanong nya sakin papalapit na kasi ng papalapit manok dun sa trap na ginawa ko. "Ang galing! Paano mo naisip yan?" pagkapasok na pagkapasok kasi nung manok sa basket hinila ko yung tali kaya natrap na sya ng tuluyan.

"Wanna taste some letchon manok?? Letchon manok for real?? Amoy na amoy..." napapakanta na lang ako sa sobrang saya ko dito habang si Kuya Perry ayun hindi makarelate.

.

.

.

.

Kismet (A Mika Reyes Ara Galang Fanfic)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang