~AFTER AFTERNOON CLASS~
NADINE'S POV:
Katatapos lang ng classes naming ni Jaye, pupuntahan ko sana siya kaso pagkakita ko sa upuan niya wala naman na siya, siguro pumunta na sa park, kasi nga diba? May sasabihin siya? Pero ganun ba ka importante yung sasabihin niya at kailangan niya pa akong unahan?
Nako Nadine! Tama na nga yang mga tanong mo sa sarili mo wala rin naming sasagot sayo. Atsaka para kang baliw na kausap yang sarili mo. Tama na ang pagmumuni muni dahil wala talagang mangyayari.
So andito na ako, palabas na ako ng school, ang guess what? Kailangan ko pang maglakad ng 15 meters papuntang park. Kaya tiis tiis din pag time. Lumipas ang ilang minuto ng makapunta na ako sa park ng school namin. Actually nakita ko na si Jaye na nakaupo sa bench, parang wala lang, parang may hinihintay lang siya. Hindi ko natuloy ang pagpunta ko sa kanya dahil.. dahil..
"Naddie..." sabi ni ewan, hindi ko masasabi kung sino kasi nga di ba bigla bigla na lang niyang sasabihin yung pangalan ko. Pag lingon ko, "O, Enzo? Bakit?" Kung nagtataka kayo kung sino si Enzo siya yung isa sa kaklase ko na lalaki. "Uhm.. di ba may gagawin tayo ngayon na research papers? Kailan natin gagawin yun?" "Uhm.. pwedeng mamaya na lang? Kasi may sasabihin pa sa akin yung bestfriend ko, actually naghihitay siya sa park ngayon, Kaya if you'll excuse me."
"Pero tomorrow na deadline di ba?" Oh shoot, oo nga pala, kung sa tingin niyo kung bakit bukas na kaagad ipapasa kasi, "Kung gusto, may paraan." Favorite na line yan ni mam kapag may ipapagawa siya sa amin, well totoo naman na walang imposible kung gusto mo. Pero ikaw kaya gumawa ng research papers ng one night?
Oh ano? Kaya?
"Sige, tara na nga sa bahay niyo." Dahil sa inisip ko muna yung kailangan naming for tomorrow, hindi ko na naisip si Jaye.
~@PINEDA'S~
So pagkadating na pagkadating naming sa bahay nila Enzo, gumawa kaagad kami ng research papers. Hindi naman mahirap kateamwork si Enzo, pero dahil kahit madaling kausap si enzo pero andami naming pinagawa ng teacher na yan, nagabihan ako kila Enzo.
12:00 na ata ng umaga naming natapos yung research papers. Pero atleast natapos di ba?
Hinatid ako ni Enzo sa bahay naming, buti na lang at may gising pa at nabuksan kaagad nila yung gate.
Nagtataka yung iba kung bakit daw inumaga na ako, at yun kwinento ko naman. Di naman ako yung tipo na mayaman pero isnabero. Di ako ganun.
Ng makapasok ako sa bahay, naalala ko si Jaye, kaya agad agad, binuksan ko yung phone ko, oh shoot.
31 missed calls
15 unread text messages
From: Jaye
Naddie? Asan ka na? Andito na ako sa park.
From: Jaye
Hey.
From: Jaye
Naddie, di magandang biro to ah?
Hindi ko na binasa pa yung iba kasi sigurado ako na hindi pa to tulog hanggang ngayon.
So Tinawagan ko si Jaye, nagriring pero bakit naririnig ko yung ringtone niya?
Hindi kaya?
Pinatay ko na yung tawag at tama nga yung hinala ko. Andito si Hayme sa sala ng bahay namin, hinintay siguro ako nito.
Malamang. Makikita mo ba yang nilalang na yan diyan kung di ka niya hinintay?
So I was saying,
Tinap ko ng mahina ang balikat niya habang sinasabi ko ang mga salitang, "Jaye, gising na."
Pagkatapos ng ilang tapik at sa wakas at nagising na rin siya, well hindi naman talaga siya yung tipo ng tao na tulog mantika.(mahirap gisingin.)
"Hey, Saan ka nanggaling?" Kagigising na may pagaalalang tanong niya.
"Sa bahay Nila Enzo..."
"What? Anong ginawa mo dun? No. Nevermind. Uuwi na lang pala ako. Kita na lang tayo buka-- tingin sa relo Mamaya na pala, inumaga ka pa ng uwi. Sige. Bye." After ng mga kataga niyang yun, bineso niya ako. Tumayo at umalis na.
"Ingat ka." Pagpapaalala ko sa kanya. Hindi na siya sumagot pa.
~TO BE CONTINUED~
Bakit kaya ganun na lang umasta si Hayme? May mali ba? May sakit ba siya? Or wala sa mood?
Sorry po pala sa wrong grammars. XD
BINABASA MO ANG
Oo nga pala best friend mo lang ako.
FanfictionMahal ko siya, SOBRA. Pero bakit ngayon ko lang naintindihan na kaya pala hindi niya ako kayang mahalin dahil hanggang BEST FRIEND LANG AKO. Oo, alam ko na hanggang BEST FRIEND LANG KO. At Hanggang ngayon, Umaasa pa rin ako. Na mamahalin niya ako hi...