CHAPTER 14: IM SORRY☹️

108 6 0
                                    

JAMES POV:

I just want you on top of me...

Napagising naman ako sa narinig ko.

Yung alarm ko lang pala.

And then biglang pumasok sa isip ko na kailangan kong bumawi kay Naddie.

Well, time check its 4:00 in the morning.

I know its a bit "over exaggerated".

But damn! I need to.

Naligo na ako yung mabilisan lang, pero dont get me wrong. Naligo naman ako ng maayos kahit na nagmamadali ako.

And then sinuot ko na yung uniform ko.

Bumaba na and then pumunta na sa bahay nila Naddie.

Thank God at walang traffic.

...

...

...

...

...

...

...

Time check: 4:45 a.m. na ng makarating ako sa bahay nila Nadine. And alam ko na gising na sila Nanay kaya kumatok na ako sa gate nila. "Nay?" "Nay, si James po ito" Hindi ako magdodoorbell kasi baka magising si Naddie.

Ilang segundo pa ang lumipas at nakita ko si nanay na papunta sa gate.

"Oh James, ikaw pala yan anak. Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni nanay.

"Ahh.. nay nagkaroon po kasi kami ng konting tampuhan ni Nadine." Sabi ko tapos kamot sa batok.

"Eh bakit kailangan mo pa siyang lutuan? Pwede naman sa school niyo ka na lang mag sorry sa kanya." Oh shoot. Di pa pala alam ni nanay.

"Ah, eh, nay. Nililigawan ko na po si Nadine." Halatang nagulat siya pero lumipas ang ilang minuto at napalitan naman ito ng ngiti sa labi ni nanay.

"Oh siya, pumasok ka na, at mamaya magigising na rin yang si Nadine." Napangiti naman ako sa sinabi ni nanay

"Thank you po" sabi ko at dumiretso sa kitchen nila.

Lulutuan ko si Nadine ng Omelette, ham, hotdog, sausage, pancake and of course with rice. Matakaw yun eh.

Boyfriend duties. ON!

Makalipas ang ilang minuto...

Natapos ko na ang breakfast na ginawa ko para sa kanya. So at the moment, pirineprepare ko na ang lamesa para makakain na siya anytime. Hanggang sa nakarinig na ako ng ilang yapak pababa ng hagdan.

NADINES POV:

5:30 am

Good Morningggggg earth! New Morning nananaman. Naalala ko tuloy yung inasta ni Jaye kagabi.

Napatawa at kinilig na lang ako nung inisip ko kung ano yung nangyari kagabi.

Galit ba ako?

Hmm...

Ewan.

Siguro.

Baka?

Pwede?

Ewan ko talaga.

Siguro natusok lang yung puso ko kagabi. Dahil ganun pala siya magisip.

Kasi diba kapag mahal ka, magtitiwala ka? Pero ano yun? Parang pinapalabas niya na ako yung masama.

Hayst.

Ikakain ko na nga lang to.

Ginawa k na yung morning routines ko.

After nun bumaba na ako.

Bumaba na ako ng nakabusangot ang mukha.

JAMES POV:

5:45 am

Hintay ko na lang na bumaba si Nadine.

Actually kasalanan ko.

Kaya nga ako andito diba?

Hihingi akong sorry sa kanya.

Makalipas ang ilang minuto...

Nakarinig ko mng ilang hakbang pababa ng hagdan. Nakita ko siyang nakabunsangot. Ako naman. Heto mas napabusangot kasi makungkot ang queen ko.

"Nadine." Tawag ko sa queen ko na may halong lungkot ang pagkasabi.

Halatang nagulat siya ng narinig niya ang boses ko.

"Im sorry."

Oo nga pala best friend mo lang ako.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon