CHAPTER 8: LIE

138 6 2
                                    

NADINE'S POV:

Kahit umaga na hindi pa rin ako makatulog, iniisip ko kasi yung sinabi sa akin ni Jaye kanina, I mean kung paano siya magsalita. Para bang nagseselos na nagagalit? Selos? Bakit naman siya magseselos? Wala naman sigurong rason. Pagkatapos kong mag-muni muni hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

~KINABUKASAN~

Nagising ako ng 5:30 ng umaga (alangan naming gabi?) Para makausap ko ng mas matagal si Jaye. Maaga kasi yung pumapasok, mas maaga pa sa akin. Minsan. Kasi minsan sabay kami.

Ginawa ko na lahat ng kailangan kong gawin at pumasok na. Nagpahatid na lang ako. Ewan ko kung anong pumasok sa isip ko at tumakbo agad ako papasok ng school.

Saka lang ako tumigil tumakbo nung narealize ko na mlapit na akong mapadulas.

Kaya nilakad ko na lang na may halong takbo.

Pagkapunta ko sa classroom. Nagulat ako. Wala pa si Jaye. Himala. Naunahan ko ata siyang pumasok ngayon.

Umupo na lang ako sa upuan ko at hinintay si Jaye, naghintay pa ako ng 10 minutes at wala pa siya kaya naisipan ko siyang tawagan.

Nakatatlong tawag ako sa kanya pero hindi niya naman sinasagot hanggang sa dumating yung teacher namin at wala pa si Jaye.

Asan ka na ba Hayme?

JAMES POV:

Ang sakit ng ulo ko. hilot sa ulo. Nagising ako kasi may tumawag. Si Nadya. Hindi ko sinagot kasi selos ako. Oo. Selos ako. Kaya kahit masakit ulo ko, tumayo ako at naligo na. Kahit naman nagseselos ako sa kanilang dalawa, kailangan ko pa ring pumasok para mabantayan si Nadya.

~After 10 minutes~

Natapos na kong naligo, agad agad naman akong nagbihis at kinuha ang bag at susi ng kotse ko para makaalis na ako. Wala naman akong pake kung malate ako, kasi, late na ako. No Choice na.

Ng makarating ako sa school namin. Hindi muna ako pumasok, naisipan kong magtambay muna sa garden ng school.

Nagearphones ako and then~~~

NADINE'S POV:

Lumipas pa ang ilang minuto at wala pa si Hayme. Hindi na ako nakapagtimpi at nag excuse na ako sa teacher namin. "Mam?" tawag ko sa teacher namin kasi nagsususulat siya sa board. Lumingon naman siya at sinabing "Yes Ms. Lustre?" "Pwede po ba akong lumabas, wala pa po kasi si James eh' nagaalala lang po ako para sa kanya." Sabi ko sa guro naming habang may halong kaba, at parang takot. Basta mixed emotions siya kaya hindi ko siya mapaliwanag ng mabuti.

"Akala ko ba bestfriends lang kayo ni James? Bakit Nadine? Lumelevel up na ba ang status ninyong dalawa? Magjowa na ba kayo?" tilian here, tilian there, tilian everywhere. Hindi ko naman sila mapipigilan. "No mam. I just really care for my bestfriend. Baka kasi kung ano ng nangyari sa kanya."

Short pero meaningful kong sabi. "Ok na nga sige na." After sinabi ni mam ang mga saltitang iyon, tumayo agad ako at kinuha ang bag ko at lumabas na ng classroom para hanapin si James. Una kong pinuntahan, ang canteen kasi naman diba baka naman kasi gutom siya, naparami ng kain kaya hindi nakapsok kaagad.

Pero nung pumunta ako sa canteen, wala naman siya. Baka hindi siya gutom. Second na pinuntahan ko is library, baka kasi nag-aral siya, oh di ba? HAHA. Pagkarating ko sa Library wala rin siya dun.

After kasi ng library is yung garden. Naisipan kong pumunta dun, kasi malapit lang siya sa library namin at baka naisipan niyang makasanghap ng sariwang hangin kaya baka nasa garden siya..

Lakad...

Lakad...

Lakad...

Hanggang sa nakarating ako sa garden ng school. And may nakita ako na lalaki na nakasandal sa poste habang nakaupo. Pag tingin ko sa kung sino yung tao na yun. Nakahinga ako ng maluwang kasi nakita ko na rin ang taong dapat hanapin ko. Mukhang hindi niya ata ako napansin.

HAHA. So pumunta ako sa likod nung poste ng dahan dahan para hindi siya makahalata tapos umupo ako sa tabi niya.

Anak ng Tokwa! Di pa rin talaga niya ako napansin?

Kinuha ko yung isang pares ng earphones nya at pinakinggan yung pinapatugtog niya. Kakanta sana ako kaso lang may narealize ako. Bakit yun yung kanta na pinapatugtog niya.

Hindi ko napansin na hinugot niya na pala yung earphones sa tenga ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Diretsong tanong niya sa akin. Aba! Di ba dapat ako magtatanong niyan?

"Hindi ba dapat ikaw ang tanungin ko niyan? Bakit ka nga ba andito? Bakit nalate ka? Bakit di mo sinasagot tawag ko? Bakit kailangan ko pang magexcuse para lang mahanap kita kung nasaan ka na? Bakit mo sinabi---"

JAMES POV:

Hindi ko na pinatapos si Nadya sa mga tanong niya kasi maoopen up nanaman yung tungkol sa kagabi. Kaya niyakap ko na lang siya para tumigil na siya sa pagtatanong.

After ng ilang Segundo~~~

Kumalas ako sa yakap naming dalawa. At sinabing "Halika na, may next class pa tayo." Pagyayaya ko sa kanya kaso parang ayaw niya, para bang may gusto siyang malaman.

"Hmm.. hindi. Hindi tayo aalis ditto hangga't hindi mo na sasagot lahat ng tanong ko." Lagot! Ito na nga ba yung kinakatakutan ko eh. Yang pagtatanong niya.

Wala na akong choice kasi ang ending magkwekwento at magkwekwento pa rin ako sa kanya.

Umupo ako ulit sa tabi niya at tignan siya sa mga mata niyang nagsasabi na "Oh dali na. kwento na."

"Ahhh--. Umuwi ako kaagad sa bahay kaga—I mean kanina kasi takas lang yun, baka tinatanog ng isip mo kung bakit ako bad mood kanina, kasi ang paalam ko hanggang 9:30 lang ng gabi hanggang sa nagpasang awa ako kila mama ng 11:00 ng gabi but then wala ka pa, kaya hinintay na lang kita, kesa naman umuwi ako ng hindi ko nasisiguro na ligtas ka. Nakakahiya naman sayo. Kaya ayun, umuwi na ako. Tapos next, kaya ako late pumasok kasi kulang yung tulog ko kaya natulog ulit ako ng mahimbing kaya nalate ako." Alam kong lahat ng sinabi ko ay kasinungalingan, pero ang pagsisinungaling na lang kasi ang tanging nakikita kong paraan para hindi mo ako iwasan.

"Eh bakit hindi mo sinasagot tawag ko kanina?" Tanong nanaman. Pasalamat kang babae ka at mahal kita kaya wala na akong choice kundi sagutin yung tanong niya.

"Kasi nga po nagmamadali na po ako kaninang magbihis at maligo." Napatango tango naman siya.

"May tanong ka pa po ba?" Natawa na lang ako sa sarili ko.

"Meron pa.. Bakit That should be me yung pinaparinggan mo?"

Oh no!

Paano na to?

"Uhmm.. kasiii.. kasi.. yun yung susunod sa tugtog oo yun." Kahit na nakarepeat siya. Pagsisinungaling nanaman.

After ng mahaba naming tanungan, tumayo na kami at pumunta sa classroom for our next subject.

~

Message to all the bashers and haters of JD:

CARE LESS LOVE MORE.

~James Reid

An Icon:

C'mon guys, it's 2017

~Nadine Lustre

BYE--

Sorry for the errors.

Oo nga pala best friend mo lang ako.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon