CHAPTER 10:THIS IS IT

152 13 0
                                    

ENJOY READING!


JAMES POV:

Ito na yun.

Aamin na talaga ako ng nararamdaman ko kay Nadya. Ayaw ko ng may tinatago pa ako sa kanya.

Hingit ko ang kanyang braso hanggang sa nakapunta kami sa garden nila. Kalma Jaye. Tanggapin mo kung ano man ang sasabihin niya sayo. Huwag mong ipakita sa kanya na masasaktan ka kung irereject kanya.

"Nadine alam kong masyadong mabilis to para sa akin. Para sa atin. Pero hindi ko na talaga kaya eh. Nagseselos na ako. Oo nagseselos na ako sa inyong dalawa ni Enzo, hindi ko alam kung anong meron kay Enzo na wala sa akin. Bakit mas gwapo ba siya? Mas matangkad ba siya? Mas marami ba siyang abs? Ano ba? Ano bang wala sa akin na meron siya. Sabihin mo sa akin para alam ko. Para maidagdag ko kung ano ako. Para magustuhan mo rin ako. Para ako na lang. Ako na lang sana." Sabi ko sa kanya habang lumuluha.

Pinunasan niya ang mga luha ko at sinabing,"Anong ibig sabihin mo?"

Naguguluhan pa rin talaga siya. "Nadine ano ba? Hindi mo ba alam na mahal kita?! Hindi mo baa lam na mahal na kita? Hindi mo ba napapansin na ginagawa ko ang lahat ng magagawa ko para hindi ka malayo sa paningin ko? Hindi mo ba alam na nung niyaya kita para makausap sa park, dun ko na dapat aaminin ang lahat? Pero ano? Mas pinili mong sumama kay Enzo. Yung pesteng yun. Nadya hindi mo ba alam na hinintay kita dun? Hinintay kita kahit wala ng araw. Nagstay ako dun hanggang 6:30 pero wala eh. Wala ka. kaya naisipan kong pumunta sa bahay niyo baka saka sakaling nakalimutan mo lang. Mas tatanggapin ko pa siguro kung nakalimutan mo lang. Pero hindi eh. Sumama ka pala sa iba. Masakit isipin pero hindi ko pinahalata kasi alam kong walang magbabantay sayo at lalaki yung tyansa na mapunta ka sa kanya at iwan mo ako. Kaya please? Itigil na natin to. Ayoko ng maging bestfriend mo lang. PWEDE BANG TAYO NA?"

Alam kong nagulat siya sa tinanong ko. Hindi ko inaasahan ang sasabihin niya. "Pero Jaye paano ang pagkakaibigan natin? Paano kung sa huli hindi naman pala tayo para sa isa't isa? Tapos kapag nagbreak tayo, paano na yan? Magiging awkward ang lahat para sa atin. Mahihirapan tayong maging friends ulit ng dahil lang sa past natin."

"Wala ka bang tiwala sa akin na hinding hindi ko sasaktan ang puso mo?"

"Iba kasi maglaro ang tadhana, James."

Hindi na ako sumagot sa kanya. Umalis na ako sa harapan niya. Dumiretso na ako sa sasakyan. Kahit masakit kailangan kong tanggapin, dahil ako lang rin naman ang masasaktan kapag hindi ko to kinaya.

Pumunta ako sa bahay ng maraming luha sa mata. Hindi ko akalain na ganito pala kasakit ang masaktan. Pero before ako umuwi, naisipan kong bumili ng isang dozen ng beer.

Wala eh. Ito na lang ang tanging paraan para makalimutan ko ang nangyari ngayon.

NADINES POV:

James, Hindi mo ako pinatapos. Mahal kita. Mahal rin kita. Pero hindi mo ako pinatapos. Bukas. Pinapangako ko sayo na yun ang magiging pinakamasayang araw mo.

Aamin na rin ako sayo bukas. Dahil pagod na akong maging kaibigan mo lang. Mahal na mahal kita Hayme.

KINABUKASAN~~

Napagisipan kong tanghali na lang pumunta sa kanila. Sakto paggising ko tanghali na pala. Kaya wala na rin akong choice na tanghali na pumunta.

Habang papunta ako sa bahay nila, para bang nagkaroon ako ng masamang kaba? Yun para bang masamang kutob? Kaya pinakiusapan ko si Kuya na mas bilisan niya pa. Sinunod naman ni kuya ang utos ko kasi wala naman siyang choice kundi sundin ako diba?

Oo nga pala best friend mo lang ako.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon