KAORINE POV
Pagkatapos ng klase agad akong lumabas ng room para makauwi agad. Hindi maganda ang kutob ko. Kanina pa ko balisa simula kaninang umaga. Kaya hindi na din ako makakinig ng maayos sa lecture ng mga Prof namin.
Hindi talaga kasi mawala sa isip ko yung nakita ko kanina.
Ala-singko na ng hapon at medyo padilim na din. Nakalabas na din ako ng gate ng University. Mabilis ang ginawa kong maglakad. Kelangan ko talaga makauwi agad. Sa bahay lang ako nakakaramdam na safe ako.
Kung may masasakyan lang sana papunta sa bungad ng bundok kung san ako nakatira kaso wala eh. Dahil takot nga ang karamihan na magawi sa lugar na yun. Kaya no choice ako kundi ang lakarin lang pauwi sa bahay kahit pagpasok ko din ng University.
Dahil uwian na nga, madami din na kagaya ko ay naglalakad lang din kaya medyo nawawala ang kaba ko. Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad na akala mo nagmamadali ako. Gusto ko na ngang tumakbo eh kaso masyadong madaming tao ngayon. Baka lalo silang matakot pag nakita akong tumatakbo. Well, sa totoo niyan kasi mabilis akong tumakbo na daig ko pa si Flash sa bilis. Ayaw ko na mas lalo akong maging freak sa harap nila. Bukod kasi sa iniilagan nila ako may eye patch din kasi ako sa kanan kong mata kaya mukha talaga akong freak sa paningin nila. Baka mamaya kuyugin nila ako at may magawa pa kong di maganda sa kanila.
Nasa bungad na ko paakyat ng bundok. Bumalik ulit ang kaba ko at tumayo ang mga balahibo ko lalo na sa batok. Kahit medyo maliwanag pa ay madilim na ang loob ng bundok dahil sa dami at nagtataasang puno.
Napalunok muna ako bago naglakad ulit. Mahigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko dahil sa kaba. Alam ko may power at ability ako para panglaban at saka sinanay na ko na makipaglaban nung bata pa lang ako. Pero kasi, kakaiba talaga ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko sigurado kong kaya ko silang pabagsakin lalo na't mukhang madami sila.
Oo madami sila, ramdam ko sila. Ang mga mata nila na nakikita ko kahit madilim ang daan. Tinitignan nila ang bawat kilos ko.
'Relax, Kaorine.' sabi ko sa isip ko. Sinusubukan ko na wag ipahalata na nararamdaman ko sila. Kahit na nanlalamig at namamawis na ko sa kaba. Malalaman at mararamdaman ko kasi kung mapanganib sila o hindi. At isa lang ang masasabi ko. Napakapanganib nila, kaya ganto na lang ang nararamdaman ko. Kahit nasa akin ang sumpang to, hindi pa din ako sigurado kung kaya ko sila dahil di ko alam ang mga kaya nilang gawin.
Malapit na ko sa bahay, nakasunod at nakatingin lang sila sakin mula sa dilim. Konti na lang Kaorine.
Nang nasa harap na ko ng pinto ng bahay mabilis ko agad itong binuksan at pumasok agad. Napasandal na lang ako sa pinto na hinihingal pa. Daig ko ang tumakbo ng milya milya. Napahawak ako sa dibdib ko, mabilis pa din ang tambol nito.
Isang hingang malalim ang ginawa ko saka tumayo ng diretso at naglakad na paakyat ng hagdan.
Kelangan ko na talagang mag ingat. Delikado na ko lalo na pag gabi dahil nakatago sila sa dilim.
Umupo ako sa kama, andaming nangyari ngayong araw. At hindi ko alam ang gagawin ko. I know im strong, but still I don't who they are.
Tumayo ako at tumungo sa wooden closet ko at kumuha ng pampalit. Napatingin ako sa wall clock na nakasabit malapit sa binatana.
"6:30." mahinang sabi ko at nagpalit na ng damit.
Lumapit ako sa may bintana at hinawi ng maliit ang kuritna, tama lang na hindi halata na sinisilip ko sila. Mahigpit na napahawak ako sa kurtina. They are still here, but they're hiding in the dark.
Red eyes. Many red eyes that eyeing outside in my house. Mabuti na lang at may barrier sa paligid ng bahay kaya safe ako dito pwera na lang kung may kakayahan silang makasira ng isa sa pinakatibay na barrier, yun daw sabi ng Lolo ko since siya ang may gawa nito, for protection just like this.
Umalis na ko sa harap ng bintana at lumabas ng kwarto. Magluluto na muna ako ng hapunan ko.
Nang makarating ako sa kusina agad akong naglabas ng lulutuin. Habang nagluluto ako, hindi mawala sa isip ko ang mga mata na nasa labas ng bahay.
I admit im afraid like hell. This is my first encounter with them. I can fight them but they're too many to handle. I sigh. Kahit gustuhin ko mang gamitin ang sumpa na meron ako pero ayaw ko. Hindi sa ayaw ko talaga siyang gamitin, ayaw ko dahil pakiramdam ko hindi pa ito ang tamang oras para gamitin to, at lalong hindi sa mga katulad nila.
Kumain din ako agad ng matapos akong magluto. At hinugasan ang mga pinggan ng tapos na ko kumain. Umakyat ulit ako pabalik sa kwarto ko at umupo sa kama.
Masyadong tahimik. Napakatahimik ng paligid na kahit ang langgam ay takot gumawa ng tunog. Sa sobrang tahimik na nakakatakot sa pwedeng mangyari.
Ang I don't like this feeling. Lalo na't mag isa lang ako. Tumayo ako at lumapit sa study table na katabi lang din ng bintana. Walang mangyayari kung magiging ganto lang ako.
Binuksan ko ang isang drawer at kinuha dun ang journal ni mama. Umupo ako sa upuan at binuksan ang journal.
'My Sweetie,
I know this is a journal pero parang ginawa ko nang diary to! Hahaha. Okay so ito na nga, Kaorine sweetie if you're reading this it means we're gone. Alam ko masakit na iwan ka namin, kahit kami din naman ayaw ka namin iwan dahil napakabata mo pa. But sweetie this is our fate, and I hope you accept yours to. You're not a curse sweetie, always remember that. You are a blessing for us sweetie. An angel and a princess in our family so don't ever think that you're a curse. We love you so much, we really do. Sayang nga lang at hindi ka na namin masusubaybayan paglaki mo. I know gusto mo laging hinihingi ang advice namin lalo kapag nahihirapan ka na sa sitwasyon mo. Pero ito lang ang tatandaan mo sweetie, you're smart, beautiful, a pure and powerful. No one can defeat you sweetie. No one. Don't be afraid on everything sweetie, and don't ever doubt yourself.
Okay, let's move on with the drama. Sweetie, I know darating ang araw at makikita't makikita ka din nila. Both on different sides. Those who wear black cloaks and red eyes, that hiding in the dark. Be careful on them sweetie. I know they can't harm you easily since you're protected but still be careful. Anyway, they are called Dark Phantoms. The enemy of our race. They want to get you and the other four who have the same fate with you Sweetie. But remember this, you're the most powerful than the other four sweetie. And I want you to hide your identity. Don't let them know that you have that magic, okay. Always remember, Trust no one sweetie only yourself.
Hanggang dito na lang sweetie. I love you. We love you always remember that.'
Naramdaman ko na lang na basa na ang pisngi ko. Hinawakan ko ito, luha. Im crying. I really do miss them. And it fucking hurts, because it's all my fault. My fucking fault. Pero sinabi ni Mom na alam niya na ganito ang mangyayari at tanggap nila yun. Masakit lang tanggapin na hindi ko man lang sila nakasama ng matagal.
Pinunasan ko ang mga luha ko at tumingin sa salamin na nasa harap ko habang nakaupo ako. Wala sa sariling napahawak ako sa eye patch na nasa right eye ko. Unti unti ko tinanggal ang eye patch hanggang sa makita ko ang kanang mata ko.
It's dangerously beautiful. Dahil talagang nakakamatay ito sa sobrang ganda.
A red with gold streaks eye.
And yeah, this is my curse. Having this eye, makes me an eye catching prey to our enemies. I know Im dangerous because of this eye.
Icy blue color naman ang sa left eye ko. Ang kulay ng mata ng pamilya namin.
I sigh at sinara ang journal ni mama saka tumayo pabalik sa kama. Humiga ako at napatingin sa wall clock. 8:00 o'clock na pala. Makatulog na nga masyadong madami nang nangyari ngayong araw, and im tired already.
Pinikit ko na lang ang mata ko hanggang sa kainin ako ng dilim.
BINABASA MO ANG
Curse Magic: Devil's Eye (On-Hold)/ [Under Revision]
FantasyKaorine is just a simple girl. A simple girl hiding her true identity. She's trying her best to conceal her existence. Her existence that she hates the most. Why? Because She is a Cursed. A Cursed that will make her life turned upside down. A curs...