KAORINE POV
Gulat na gulat akong napatingin sa apat na tao na nakatayo sa labas ng barrier. Yes, nasa labas ng barrier sila naglaban kanina nung tulog ako.
Tatlong lalake at isang babae. At pare-pareho silang naka Dark Blue na cloak.
"Hala Arzen! Pano na yan nakita niya ang ginawa natin?" biglang sabi nung babae kaya napatingin ako sa kanya.
Ang ganda niya. Kulay Blue na hanggang balikat ang buhok niya at may kulay na Deep blue na mata at matangos na ilong.
"Tss." ingos nung Arzen saka namulsa at malamig na tumitig sakin.
Napalunok ako ng wala sa oras. Nakakatakot siya tumitig. Bigla siyang naglakad palapit sakin kaya nanlaki ang mata ko at nataranta. Pero..
"Fuck?!" mura niya nang mabunggo siya sa barrier kaya napaatras siya ng konti.
Nakahinga ako ng maluwag dahil di sila makalusot sa barrier. Kita ko din ang panlalaki ng mata nung kasama nung Arzen at sabay sabay silang tumingin sakin kaya napaatras ulit ako.
"Woah! A barrier huh?" di makapaniwalang sabi nung lalaki na may light brown hair at brownish na mata.
Di ko alam ang gagawin ko habang nakatingin sa kanila.
Lumapit yung babae at hinawakan ang invisible barrier.
"Wow! May barrier nga! Di ko man lang to napansin kanina." natatawang sabi nung babae.
"Kaya pala nagpatayo sila ng Bahay dito mismo sa gitna ng bundok. It means one thing." sabat naman nung isang lalaki na may silver hair at gray eyes. At saka sila nagsitinginan sakin kaya lalo ako napaatras.
"Ow! I get it! Haha. Hi!" masayang sambit nung babae kumakaway pa siya sakin.
Napalunok naman naman ako kasi ang wiweird nila talaga.
"Haha. Mukhang di pa siya naka get over satin oh!" nakangiting sabi ulit ng babae.
Napakurap kurap muna ako bago tumayo ng diretso at tinitigan sila ng seryoso.
"Who are you?!" seryosong tanong ko.
"Uhm. Paano ba namin ipapaliwanag sayo. Medyo mahirap kasi lalo na't nakatayo kami dito sa labas ng barrier eh." hindi ko alam kung sarcasm ba ang pagkakasabi niya o sadyang ganun lang siya magsalita. I was talking about the guy with brown hair.
Napakunot ako ng noo at tinitigan muna sila isa isa saka bumuntong hininga at lumapit sa barrier sa harap nila mismo.
Pinapanood lang nila ang bawat kilos ko. Tinaas ko naman ang kanang kamay ko at nilapat sa barrier.
"If you have a bad intention. The barrier will surely throw you from afar." sabi ko sa kanila. Unti unting nawawala, I mean bumukas ng maliit na daanan para makapasok ang apat.
"Pumasok na kayo bago pa may umatakeng mga wild animals dito." serysosong sabi ko.
Nagtitigan muna silang apat bago isa isang pumasok. Nauna yung lalaking may itim na buhok na may kulay pula sa dulo nito. Meron din siyang pulang mata. Mukhang siya ang leader nung apat. Sunod yung lalaking may silver hair, sunod yung isa pang lalake at huli yung babae.
Nang tinanggal ko yung kamay ko sa barrier kusang bumalik ito sa dati. Pag lingon ko sa apat nakatingin pala sila sakin.
"Sumunod kayo sakin." sabi ko at naunang naglakad pabalik sa loob ng bahay.
Nang makapasok sila sa bahay ay pinaupo ko sila mga couch na nadito sa sala.
Nililibot ng tingin nung babae at nung lalakeng may brown hair ang buong bahay. Habang tahimik lang na nakaupo yung dalawang lalake. Mukhang masusungit.
BINABASA MO ANG
Curse Magic: Devil's Eye (On-Hold)/ [Under Revision]
FantasyKaorine is just a simple girl. A simple girl hiding her true identity. She's trying her best to conceal her existence. Her existence that she hates the most. Why? Because She is a Cursed. A Cursed that will make her life turned upside down. A curs...