KAORINE's POV
Biglang bumukas ang napakalaking gate at mas lalo akong napanganga sa nakita ko. Wow! Grabe! Kung maganda na sa labas, mas maganda pa sa loob.
"Hahaha. Ang cute mo Kaorine." natatawang saad ni Crey. Di ko na lang siya pinansin at patuloy lang sa pagtingin sa paligid kahit dire diretso lang ang lakad namin.
Isang mahabang pathway ang dinadaanan namin na sementado na pero sa magkabilang gilid eh mga maliliit na bushes at mga puno na medyo malayo ng konti sa bushes. Katulad sa labas kulay green lahat ng dahon at dahil maaga pa hindi pa masyadong mainit at nahaharangan din kasi ng mga dahon ng puno kaya mga rays lang ng araw ang tumatama sa balat namin.
Medyo mahaba ang pathway kaya halos 30 minutes din ang nilakad namin ng marating namin ang isa nakalawak na field na may malaking fountain din at sampong metro ang layo ay ang dalawang matataas na building na halos magkaharap na.
"Grabe ang laki naman dito!" Di makapaniwalang sabi ko na ikinatawa lang ni Laby at Crey.
"Haha, Ikaw talaga Kaorine. Wag ka muna masyadong mamangha dahil harap pa lang yang nakikita mo. I'm sure na mas mamamangha ka pa pag nakita mo ang loob ng Academy." pagmamalaki na sabi ni Crey.
"Tara na. Naghihintay na si Headmaster Kline." Biglang sabi naman ni Laby. Dumiretso kami sa kanang building at pumasok. Sumakay kami sa elevator at sa mismong topfloor kami lumabas. Merong 10 floor ang dalawang building. At isang napakalaking pinto ang bumungad samin pagklabas ng elevator. A wooden door, na may unfamiliar carvings para sakin.
Lumapit kami sa pinto at kumatok si Crey ng tatlong beses. Kusa namang bumukas ang pinto kaya pumasok kami at nangunguna sina Laby at Crey habang nakasunod ako sa dalawa. Nasa likod ko din sina Arzen at Gin na tahimik na nakasunod lang.
Isang malawak na sala ang bumungad samin pagkapasok pa lang ng office. Merong mahahabang couches sa gitna ng sala at may mini center table sa gitna ng mga couches.
"Headmaster Kline." biglang salita ni Laby na nasa tabi ko napatingin ako sa tinitignan niya. Isang mid 40's na lalake na nakaupo sa dulo nitong office. May office table at recliner chair kung saan siya nakaupo. Sa magkabilang gilid niya ay mga metal cabinets.
"Oh. Andito na pala kayo." biglang sabi nung Headmaster daw nila pagkakita samin. Nagbabasa kasi siya ng mga papeles kaya siguro di kami napansin.
"At may kasama kayo." dugtong pa nito habang matamang nakatingin sakin. Medyo nailang ako sa klase ng tingin niya kaya yumuko ako.
"Ehem. Headmaster si Kaorine po pala. Galing pong mortal world. " pakilala sakin na Laby. Biglang nagbago ang timpla ng itsura ni Headmaster.
"Mortal World? How come? " takang tanong niya sa apat.
"Oh before that. Please take a sit first. " dugtong pa nito. Agad naman kaming umupo sa mga couches na nasa harap ng table ni Headmaster. Katabi ko si Laby at kaharap naman namin ang tatlong lalaki.
"Akala ko di mo na kami pauupuin eh Headmaster." biglang sabi ni Crey saka sumandal at inilagay sa batok niya ang dalawang kamay niya.
"Tss." hissed ni Arzen.
"Okay. Before I ask about Kaorine's situation, report to me first to what happened on your mission." utos ni Headmaster. Agad namang kinwento ni Laby lahat ng nangyari sa mission daw nila.
"Hmm. So ikaw pala ang pinuntahan ng mga Dark Phantom."sabay baling sakin ni Headmaster na ikinalunok ko.
"Do you any have idea why they're after you Miss Kaorine?" mabilis naman akong umiling bilang sagot.
BINABASA MO ANG
Curse Magic: Devil's Eye (On-Hold)/ [Under Revision]
FantasíaKaorine is just a simple girl. A simple girl hiding her true identity. She's trying her best to conceal her existence. Her existence that she hates the most. Why? Because She is a Cursed. A Cursed that will make her life turned upside down. A curs...