Dedicated to:KAORINE's POV
*Boooommmm!*
*Boooogggssshhh!*"Ahhhhhhh!!!!!"
"Kyaaaahhhhh!!!!"
"Tulong!!!!!!"
"Aaaarrrggghhhhh!!!!"
Puro hiyawan at sunod sunod na pagsabog ang tanging madidinig ngayon. Mga sirang bahay at sugatang mamayanan ng Zemos ang makikita sa buong paligid.
Hindi ako makapaniwala na mangyayari ang ganto.
"Kaorine! Tara na! Kelangan na natin mahanap sina Arzen at Gin!" sigaw ni Roche na nakapag pabalik sakin sa realidad.
Naramdaman kong may humawak sa kanang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Magiging okay din po ang lahat Ate Kaorine. Pero sa ngayon kelangan na po natin hanapin ang iba niyo pa pong kasamahan." sambit ni Drane. Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya saka binigyan siya ng isang ngiti. Ngiting puno ng pag asa.
"Tara na." sabi ko saka siya hinila at nagsimula na kaming tumakbo. Nangunguna si Roche at sunod kami ni Drane sa likod namin si Lue na panay ang lingon sa paligid.
Gustuhin ko man na tumulong pero mas makakabuti kung makita muna namin sina Gin.
Bigla akong napatingin sa langit ng biglang unti unting dumidilim ang langit. At ganun na lang ang pagkagulat ko nang makita ang daan daang lumilipad na mga Dark Phantom.
"Fuck! Damn! Bilisan na natin!" pagmumura ni Roche na parang di alam ang gagawin.
"Shit! Bilis Kaorine! Drane!" sigaw din ni Lue nang makita ang mga lumilipad na Dark Phantom na papalapit na dito sa City.
Mas hinigpitan ko pa ang hawak ko kay Drane para hindi siya mahiwalay sakin. Binilisan pa namin lalo ang pagtakbo. Madami na ding nagtatakbuhan sa kung saan ang mga normal na mages. Panay na din ang lingon ko baka sakaling makita na namin sina Gin.
"Shit! Dito! Kelangan muna natin magtago!" tarantang sigaw ni Roche saka biglang lumiko sa isang eskinita kaya agad kaming sumunod sa kanya. Malakas niyang sinipa ang kahoy na pintuan mabilis kaming pumasok at agad nilang sinarado ang pinto.
Naging madilim ang paligid nang maisarado ang pinto.
"Bakit kelangan natin magtago Roche?" takang tanong ko saka kami umupo sa isang sulok nitong pinasukan naming bodega ata dahil madaming kahon at mga barrels.
"We need to hide for awhile. Hindi ko masisigurado na makikita natin agad sina Arzen lalo na't nakita ko kanina ang isa sa General Knights ng Dark Lord. Kelangan natin makaisip ng paraan kung paano mahahanap sina Arzen ng di tayo mapapansin nung General Knight na yun." kalmadong paliwanag ni Roche.
"Ako na ang bahala na magsabi kina Gin kung saan tayo para sila na lang ang bahalang pumunta dito o sa kung saan nila tayo pwedeng makita ng patago." saad ko na ikinatingin nilang tatlo.
"You can do that?" manghang tanong ni Roche na ikinatango ko.
"Pero san ba tayo pwedeng magkita kita?" tanong ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
Curse Magic: Devil's Eye (On-Hold)/ [Under Revision]
FantasyKaorine is just a simple girl. A simple girl hiding her true identity. She's trying her best to conceal her existence. Her existence that she hates the most. Why? Because She is a Cursed. A Cursed that will make her life turned upside down. A curs...