Curse 3: Strangers

172 13 0
                                    




CREY DAVIEN POV


"Aww. Aray. Ouch." daing ko habang hinahawi ang mga sanga na nakaharang sa daan. Yung iba ay may tinik pa kaya nagkanda sugat sugat na ko.

"Pwede ba Crey! Ang ingay mo! Kanina ka pa aray ng aray diyan!" nanggigil na sabi ni Laby na nasa likuran ko. Mahina lang din ang pagkakasabi niya dahil baka may makarinig samin.

"Tsk. Eh masakit kaya yung mga tinik." reklamo ko habang nakapout pero sinigurado ko na mahina lang din ito.

"Can you two both shut up! Kanina pa kayo eh." naiinis na sabi samin ni Gin na nasa harapan ko lang. Huminto siya sa paglalakad at humarap pa samin na may matalim na tingin.

"Kung hindi kayo tatahimik ako ang gagawa." asar na sabi nito at tumalikod na ulit at nag simulang maglakad para sumunod kay Arzen.

"Tsk. Sungit." bulong ko at sumunod na lang. Naririnig ko din ang mahihinang bulong ni Laby sa likod ko.

"I heard you asshole." sagot ni Gin kahit nakatalikod samin. Tumahimik na lang ako baka masampolan pa ko ng bugnutin na yan.

Nandito kami ngayon sa Balccus Mountain. Actually, sa Mortal world ito. And yep, we're not mortal. We're from Xillian World were people like us live. We do have an ability and power that mortal don't have.

Nandito kami para sa mission namin na pinamumunuan ni Arzen Yule our leader. Masyadong cold si leader at mainitin din ang ulo katulad ni Gin Heid. Mabuti na lang ako gwapo. Hehehe. At last, ang nag iisang babae sa grupo namin si Laby Avrial. Galing kaming Xillian Academy.

At ito nga, we were send here in mortal world by headmaster. Meron daw kasing mga Dark Phantom na tumawid ng portal papunta dito sa Mortal World na siyang pinagbabawal kahit ng lahi nila. Dark phantom ang kalaban namin mga Light Xillians.

At kelangan namin malaman kung bakit pumunta dito ang mga Dark Phantoms. At syempre pigilan sila sa kung anong gagawin nilang masama.

Grabi nakakatakot sa bundok na to. Marami na din kasi kaming nakasalubong na mga wild animals. Mabuti na lang at naiiwasan namin na tapusin sila. Mukhang naamoy nilang di kami pangkaraniwan lang.

Tuloy tuloy lang kami sa paglakad, at panay hawi din ako ng mga sanga na sumasabit sa cloak ko. Nakakairita na nga eh.

Nagulat na lang ako ng huminto si Gin kaya nabunggo ako sa likod ko kaya nabunggo din si Laby sa likod ko. Tsk.

"Bakit kayo huminto? May problema ba Arzen?" tanong saka sinilip silang dalawa.

Nakapikit si leader na tila may pinapakiramdaman siya. Kita ko pa ang pag kunot ng noo niya.

"They're here and they're surrounding the house malapit satin." malamig na sambit ni Arzen. Pero halata ang pagtataka sa boses niya.

Oo nga naman! Bakit nakapalibot ang Dark Phantom sa isang bahay? At isa pa, bakit may bahay sa gitna ng bundok na to?!

Naglakad na ulit si Arzen kaya sumunod kami sa kanya.

"Be careful and hide your auras so that they will not notice us." utos niya samin na agad naming ginawa.

Nararamdaman ko ang presensiya ng mga Dark Phantoms. Mukhang malapit na kami sa kanila. May nakikita din akong maliit na ilaw sa unahan nina Arzen at Gin. Mukhang yun na ang bahay na sinasabi kanina ni Arzen.

Maingat kaming naglakad para di nila kami marinig at maramdaman ng mga Dark Phantoms. Muli kaming huminto at tumabi kami kay Arzen na nakatanaw sa mga Dark Phantoms sa may di kalayuan samin. Kitang kita namin na nakaplibot sila sa medyo di kalakihang bahay. Two-storey siya pero tama lang ata sa isang pamilya.

Halos isang daang Dark Phantoms ang nakapalibot sa bahay. Tumingin ako kay Arzen na matamang nakatingin sa Dark Phantoms at sa bahay.

"What now Arzen?" bulong na tanong ni Gin.

"Let's spread and finish all the Dark Phantoms. As much as possible do it quickly and silently. And make sure na walang pagsabog na mangyayari. We can't take the risk to wake whoever lives in here." utos ni Arzen kaya tumango kami. At kanya kanya kami takbo sa iba't ibang direksyon pero sinigurado ko na hindi ako maririnig ng kalaban.

Sa kanang direksyon ang tungo ko. Kitang kita ko kung pano titigan ng mga Dark Phantoms ang bahay para itong masarap na pagkain.

Dark Phantoms are really a Phantom. They do steal a Xillians soul to make their food. Kaya hanggat maari iniiwasan namin sila na malapitan kami o mahawakan man lang. They have a pale skin, pointed ears, a teeth like shark, they don't have a nose, eyebrows and eyelashes, and their eyes are red. Yung mga kamay nila ay mahahaba na na patulis ang dulo. And wearing a black cloak.

Maingat akong lumapit sa mga Dark Phantoms. Gumawa ako ng Earth Needles at mabilis na pinatamaan sila sa puso nila. A direct hit in the heart is the only way to kill them.

Mabilis na naging abo yung pinatamaan ko. Nagsilingunan sakin ang ibang Dark Phantoms at bigla akong inatake. Mabilis akong tumalon para iwasan ang isang Dark Phantom na balak hilahin ang paa ko. Tsk.

Gumawa ako ulit ng mga Earth Needles at pinatama sa tatlong Dark Phantom na patakbong papunta sakin mula sa kanan ko. Tinamaan sila at agad ding naging abo. Napayuko ako ng may nagtangkang suntukin ako mula sa likuran ko kaya ang nasa harap ko ang tinamaan. Mabilis akong humarap sa Dark Phantom na nasa likuran ko at sinaksak ng Earth needles sa puso.

Napa backflip ako ng may naghagis ng dagger sakin. Tinira ko din ito ito ng Earth needles kaya naglaho ito. Mabilis kung kinuha ang dagger na nakaipit sa likuran ko at mabilis na sinangga ang dagger na isasaksak sana sakin nung isa. Tinadyakan ko ito sa sikmura kaya napaatras ito. Tinira ko agad ito ng Earth needles bago pa umatake ulit.

Patuloy lang ako sa pag ubos ng mga Dark Phantom. Medyo hinihingal na din ako dahil kanina pa ko nakikipaglaban at sadyang madami talagang mga Dark Phantom. Mabilis kong sinaksak sa puso ang natitirang Dark Phantom.

Napabuntong hininga ako. Sa wakas ubos na din. Tumakbo agad ako pabalik kina Arzen. Baka tapos na din sina Gin at Laby. Sabay sabay kaming tatlo na nakarating kung saan namin iniwan kanina si Arzen. Sa may tapat pala siya ng bahay. Kita namin na sakal sakal ni Arzen ang natitirang Dark Phantom nang biglang bumukas ang pinto ng bahay. Kaya lahat kami napatingin dun.

Shit. Nalintikan na.

Isang babae. Nakaputing dress na pantulog siya. Halatang gulat na gulat siya sa nakita niya.

Pero bigla siyang napaatras ng saksakin ni Arzen sa puso ang Dark Phantom na sakal sakal niya.

KAORINE POV

Nagising ako ng may madinig ako sa labas ng bahay na parang may nagkakabulabugan.

Umupo ako mula sa pagkakahiga at napatingin sa wall clock. Saktong 12 na ng hatinggabi.

May nadidinig pa din akong kalabugan. Parang may nag aaway. Kunot noo akong tumayo at lumabas ng kwarto at saka bumaba ng hagdan.

Parang may di magandang nagyayari sa labas ng bahay.
Lumapit agad ako sa may pinto at hinawakan ang doorknob. Pumikit muna ako pinakiramdaman ang nangyayari sa labas.

Teka! May naglalaban sa labas?

Walang pakundangan kong binuksan ang pinto at lumabas. At na shock ako sa nakita ko.

Merong apat na tao na nakatayo pero yung isa may sakal sakal na Dark Phantom. Katulad nga ng sinabi ni Mom. At lahat sila nakatingin sakin. Napaawang ang labi ko sa nakikita ko. Bigla akong napaatras sa gulat nung saksakin nung lalaki ang Dark Phantom na sakal sakal niya.

What the heck!

Who the hell are they?

Curse Magic: Devil's Eye (On-Hold)/ [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon