Curse 11: Drane Folt

153 9 2
                                    

KAORINE'S POV

"I-ikaw." di makapaniwalang sabi ko.

"Okay ka lang Kaorine?" biglang tanong ni Roche na nasa tabi ko na pala. Kaya nanlalaki pa ding mga mata ko na binalingan siya.

"Bakit may problema ba?" nag aalalang tanong niya.

Pero agad akong napatingin sa harap ko ng biglang niyang marahas na binitawan ang kamay ko at tumakbo papalayo.

"Hey! T-teka!" tarantang sigaw ko at balak sana siyang sundan pero agad na nahawakan ni Roche ang braso ko.

"Teka Kaorine. Anong problema mo sa lalaking yun?" nagtatakang tanong ni Roche habang nakakunot ang noo.

"R-roche. S-siya yun." utal kong sabi.

"Anong ibig mong sabihin?" kunot noong tanong niya pero di ko yun pinansin at hinawakan siya magkabolang braso niya na ikinagulat niya.

"S-siya yun! Ang hinahanap natin! Susundan ko siya. Ikaw na ang bahala magsabi kina Gin tungkol dito ah!" sabi ko sabay bitaw sa kanya at tumakbo agad para masundan ko ang lalaking yun.

"Uy teka! Kaorine!" dinig ko ang pagtawag sakin ni Roche pero di na ko lumingon pa. Kelangan ko siyang maabutan para makausap.

ROCHE'S POV

Shit! Malalagot ako nito sa dalawa eh. No choice ako kundi sundin ang sinabi ni Kaorine.

Patakbo akong pabalik sa Inn. Mabuti na lang at malapit lang kami ni Kaorine kanina mula sa Inn. Mabilis ang hakbang kong umakyat sa hagdan hanggang sa makatapat ako sa pinto ng kwartong tinutuluyan namin pansamantala.

Pabalibag kong binuksan ang pinto at kunot noo at nagtatakang nakatingin sakin sina Gin at Arzen ng pumasok ako. Kumakain pala sila.

"Asan si Kaorine?" takang tanong ni Gin habang tumitingin pa sa likod ko. Napahinto na din sila sa pagkain.

"Sinundan niya yung batang lalaki. Nahanap niya na kanina ang hinahanap natin at nakabungguan niya pa kaso biglang tumakbo kaya sinundan niya. Inutusan niya din akong sabihin ito." paliwanag ko na ikinagulat nila at agad na tumayo.

"Tss. Damn that girl." asar na sambit ni Arzen at mabilis na lumapit sa kama niya at kinuha ang bag niya ganun din ang ginawa ni Gin.

"Tss. Let's go." saad ni Arzen at nauna ng lumabas na agad na sinundan ni Gin. Napatingin ako sa pinagkainan nila at bigla akong nagutom. Wala sa sariling napalunok ako. Hindi naman siguro mahahalata ng mga yun kong di ako agad makasunod. Lumapit ako sa mesa at agad na kinuha ang kutsarang di pa nagagamit at nakangiting nag scoop sa kanin at ulam. Akmang susubo na ko ng biglang may humigit sa damit ko sa likod.

"Damn! Roche, mag gana ka pang kumain kahit alam mong may emergency!!" bulyaw ni Gin habang higit higit pa din ako. Napakurap kurap pa ako habang pinaprocess ang nangyayari. Hanggang sa namalayan ko na lang na nakalabas na kami ng Inn saka ako binitawan ni Gin. Maluha luha ko naman siyang tinignan dahil andun na eh! Isusubo ko na lang eh, pero naudlot pa.

"Tsk. Don't look at me like that. You can eat later all you want but we need to find Kaorine first and the one you're talking about." masungit na saad niya kaya biglang nagningning ang mga mata ko ng marinig na makakain ako ng malaya mamaya. Agad akong umayos ng tayo.

"Tell me. Ano ang itsura nung sinasabi mo kanina."

"Hmm. Hindi ko talaga nakita ang mukha nung bata eh or not. Im not really sure kung bata pa talaga yun kasi halos matangkad pa kasi yun kay Kaorine at nakasuot pa ng cloak kaya di ko nakita ang itsura niya. But he's wearing a brown cloak, mudded boots, blue pants and t-shirt and gloves." pahabang paliwanag ko na ikinatango na lang niya.

Curse Magic: Devil's Eye (On-Hold)/ [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon