Curse 9: The Start of their Journey

177 7 0
                                    



KAORINE's POV


5:00 pa lang ng umaga pero andito na kami ni Gin sa harap ng gate nakatayo. Hinihintay na lang namin si Arzen na pumunta pa kay Headmaster kasi may sasabihin daw ito sa kanya.

Madilim pa ang paligid at tanging tunog lang ng mga kuliglig at hampas ng hangin sa mga dahon ang maririnig.

Hindi na din kami hinatid ng dalawa dahil naiinis daw sila kasi di sila nasama sa mission namin. At saka nalulungkot din daw si Laby kasi kakarating ko lang dito sa Academy tapos binigyan daw agad ako ng mission. Kaya sumakit ang tenga namin kagabi dahil kay Laby na panay paalala sa dalawang lalaki na bantayan daw ako at wag hayaang masaktan. Napangiti na lang ako dahil sa pinagsasabi niya sa dalawa na parang wala naman sa dalawa lahat ng sinasabi niya.  Kahit saglit pa lang kami nagkasama ni Laby ay grabe na ang pag aalala niya para sakin. 

Nabalik ako sa sarili ko ng madinig ko ang yabag na papalapit samin. At nakita ko ang seryoso at walang emosyong mukha ni Arzen.

"Let's go." sabi ni Arzen ng makalapit siya samin.

Nauna siyang lumapit sa gate at kusa itong bumukas. Di ko pa din mapigilan ang mamangha kahit ikalawang beses ko na ang dumaan sa napakahiganteng gate na to. 

Nang makalabas kami ng gate ay kusa din itong nagsara. Dire-diretso naman sa paglalakad ang dalawa, lumingon muna ako saglit gate ng Academy bago tuluyang sumunod sa dalawa. This is it. Sana mahanap namin agad sila para makabalik kami agad sa Academy.

Tahimik lang ako na nakasunod sa dalawa, at dahil hindi ko naman gaano kaclose yung dalawa kaya hindi ko na din sila kinakausap. Saka masyado silang seryoso at tahimik kaya nakakahiya kung bigla akong makikipag usap sa kanila. At sa itsura at tingin pa lang eh mapapaatras kana agad sa takot. Ang mga mata nilang nagsasabing 'Don't-you-dare-come-near-or-your-dead'.

Pare-pareho din kami na ang dala lang ay brown leather body bag. Isang storage bag na pwede paglagyan ng kahit ano pero hanggang 1,000 lang ang pwedeng ilagay. Napaka useful niya kasi magaan lang dalhin na parang walang laman.


Hindi ko alam kong asan na kami, hindi ko naman matanong ang dalawa dahil nahihiya din ako eh. At wala din akong ideya kung saan kami pupunta. Kung andito lang si Laby may makakausap sana ako kahit papaano.


Nasa kalagitnaan kami ng kagubatan ng may marinig akong tunog. Hindi lang basta tunog kundi isang tugtog mula sa flute. Napahinto din ako dahil dun. Kumunot ang noo ko ng tuloy tuloy lang sa paglalakad yung dalawa na tila di nila narinig ang tugtog ng flute.

Luminga linga ako. Baka sakaling makita ko kung sino ang tumutugtog ng flute pero wala.

"Kaorine." napatingin ako kay Gin at Arzen na pareho ding nakahinto 7 meters ang layo sakin. Nagtataka at kunot noong nakatingin sila sakin.
Tumakbo naman ako papalapit sa dalawa.

"May problema ba?" tanong ni Gin ng makalapit ako sa kanila. Agad akong umiling, baka kasi naghahallucinate lang ako.

Napatuloy ulit kami sa paglalakad pero katabi ko na si Gin at nauuna pa din si Arzen.

Bigla ulit akong napahinto ng madinig ko ulit ang tunog ng flute. Napakasarap pakinggan at nakakagaan sa pakiramdam na para akong nililipad sa mga ulap.

THIRD PERSON POV

"Kaorine?" tawag ni Gin kay Kaorine na nakahinto ulit sa paglalakad at nakatulala lang ito. Agad silang nagkatinginan ni Arzen at saka luminga linga sa paligid na tila pinapakiramdam kong may kalaban.

Curse Magic: Devil's Eye (On-Hold)/ [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon