Curse 6: Welcome

166 10 2
                                    

Kaorine Pov

"I've already decided....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Im coming with you." sabi ko na ikinangiti ni Laby at Crey.

"Really?" masayang tanong sakin ni Laby na ikinatango ko. Dinamba niya ako ng yakap dahil dun.

"Let's go back inside." biglang sabi nung Arzen. Nagulat pa ko dahil first time kong marinig na magsalita siya.

"Tara na." masayang sabi ni Laby at niyakap ang kaliwang braso ko saka ako hinila para sumunod sa tatlo.

I hope that this decision will lead me to know everything. Nakaupo na ang tatlong lalaki sa mga sofa kaya umupo na din kami ni Laby.

"So. You're a Celestial Spirit summoner huh?" basag na tanong ni Crey sa katahimikan.

"Yep." sagot ko.

"Woah. Astig! Alam mo bang matagal ko nang gustong makakita at makakilala ng Celestial Spirit Summoner?" di makapaniwalang tanong ni Crey.

"And im glad to finally meet you. It's like a dream come true." sabi pa ni Crey hinawakan pa ang dalawang kamay ko. Nagmukha ko tuloy siyang fan. Kaya napangiwi na lang ako sa ginagawa niya. Kita na tuwang tuwa talaga siya kasi nagniningning yung mata niya.

"Hoy Crey tsansing na yan ah! Bitawan mo na si Kaorine uy!" sita ni Laby kay Crey saka hinampas ang kamay nito na nakahawak sakin kaya napabitaw ito sa pagkakahawak.

"Aray ah! Ikaw Laby ah! Napakasadista mo talaga!" nakangusong saad ni Crey.

"Tsk. Stop being childish Crey. And Ms. Kaorine." saway ni Gin kay Crey saka ito bumaling sakin kaya napaupo ako ng diretso dahil sa titig niya.

"I think it's better if pack your things." sabi niya na ikinatango ko lang.

"Ay oo nga! Tulungan kita Kaorine. Teka anong oras pala tayo aalis Arzen?" sabat ni Laby.

Lahat kami napatingin sa kanya at hinihintay ang sagot niya.

"Tss. 6:00 in the morning." malamig na sagot ni Arzen.

May dalawang oras pa bago kami umalis. Tumayo ako kaya napatingin sila sakin.

"Magluluto muna ko ng makakain para maka almusal tayo bago umalis." sabi ko.

"Tulungan na kita Kaorine." nakangiting sabi ni Laby saka tumayo din.

"Tara." yaya ko at naglakad pauntang kusina at nakasunod lang siya sakin.

Lumapit ako sa may lababo para maghugas muna ng kamay saka nilingon si Laby.

"Ahm. Ano ba mga gusto niyo kainin para yun na lang ang iluto ko." tanong ko sa kanya kaya napaisip siya.

"Hmm. Ano nga ba? Hehehe.." nahihiyang sabi niya sabay kamot sa batok niya.

"Pasensya na ah. Ngayon lang kasi kami makakain ng pagkain ng mga mortal. Kaya kung ano na lang ang lutuin mo okay lang samin. Saka gusto ko din matikman ang mga pagkain sa mundong to eh hehe." paliwanag niya kaya napangiti ako.

"Ganun ba? Sige ako bahala."  sabi ko saka binuksan ang cabinet sa itaas ng lababo at kumuha ng box ng pancake. Nilagay ko muna ito sa table at lumapit sa ref at binuksan ito. Kumuha ako ng itlog, hotdog, bacon, cheese at syrup. Nilagay ko lahat sa table, pinapanood lang ako ni Laby sa bawat kilos ko.

Kumuha ako ng mga kelangan kong gamit at nag init na din ako ng tubig para sa kape at hot choco.

"Ahm, ano ba ang gagawin ko?" tanong ni Laby nang nilagay ko na ang powder ng pancake sa isang bowl.

Curse Magic: Devil's Eye (On-Hold)/ [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon