Curse 8: Mission

164 8 0
                                    

KAORINE'S POV

"Kaorine." tawag sakin ng isang malambing na boses ng babae. Boses na kahit kailan ay hinding hindi ko makakalimutan.

"Kaorine." tawag niya ulit at ngayon ay ramdam ko ang mabining paghaplos niya sa buhok ko. Napakasarap talaga pakinggan ang mahinhin at malambing niyang boses.

Unti-unti akong nagmumulat, sa una'y masyadong maliwanag kaya napapikit ulit ako hanggang sa maka-adjust ako sa liwanag. Ang unang bumungad sakin ay ang ngiti ng mukha ng babaeng matagal ko nang namimiss. Agad akong napaupo at mabilis siyang niyakap.

"M-mama, miss na miss na po kita. Pati na din po si Papa, Kuya Klive, si Grandpy at Grandmy." naiiyak na saad ko. Mahinhin siyang tumawa habang nakayakap sakin at masuyong hinahaplos ang buhok at likod ko.

"We miss you too sweety." malambing na sagot niya at ramdam ko pa ang paghalik sa noo ko.

"Waaaahh! Mama!!! Huhuhuhuhu." ngawa ko na ikinatawa niya lalo.

"You're so cute as always sweet. Pero bago yun, tumayo na tayo at puntahan na natin sila. I'm sure kanina pa sila naghihintay sayo." sabi ni Mama kaya napatingin ako sa kanya at tumango. Agad kaming tumayo at naglakad papunta sa may matataas na damo.

Ngayon ko lang napansin na nasa malawak na field pala kami na may mga nakatanim na iba't ibang klase ng bulaklak. Para akong nasa paraiso. Hinawi ni Mama ang mga nagtataasang damo na hanggang dibdib ko ang taas habang hawak hawak ang isa kong kamay.

May nadidinig akong nagtatawanan at napakapamilyar din sakin ng mga boses nila. Sa huling paghawi ni Mama ng damo ay nakita ko ang isang lawa na nangingintab pa dahil sa sikat ng araw. At nakita ko na din sila. Ang mga nagmamay-ari ng nagtatawanang boses. Nakangiting mga mukha nila habang nakatingin samin ni Mama.

"P-papa, K-kuya, G-grandpy, G-grandmy." naluluhang tawag ko sa kanila. Mabilis akong bumitaw kay Mama at mabilis na tumakbo kina Papa. Agad kong niyakap si Papa na agad niya ding ginantihan.

"I miss you Papa." naiiyak na saad ko. Nadinig ko pa ang tawanan nila.

"I miss you too, baby." malambing saad din ni Papa. Kinalas ako ni Papa sa pagkakayakap ko sa kanya at marahang ginulo niya ang buhok ko.

"You've grown into a beautiful young lady Kaorine. And I'm glad that I saw you again." nakangiting saad niya.

"P-papa." pinunasan niya ang mga luha ko.

"Stop crying. We need to tell you something." nakangiting sabi ni Papa.

"Father is right Hime. Lumaki ka na't lahat lahat iyakin ka pa din. " asar sakin ni Kuya Klive. Napanguso naman ako sa sinabi niya. Pero agad din napangiti dahil sa pagyakap niya sakin na ginantihan ko din.

"Pero di ko maitatangging miss na miss na kita little Hime." sabi ni Kuya Klive. Napangiti ako lalo sa sinabi niya. My oh so ever protective, sweet and caring brother.

"Pero ba't ganun ang liit mo pa din?" hinampas ko siya sa dibdib niya dahil sa dugtong niya.

"At mapang asar ka pa din." sagot ko na ikinatawa niya.

Curse Magic: Devil's Eye (On-Hold)/ [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon